Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shows ng TV5, pasok sa top 15 (SpinNation, pinag-usapan sa social media)

Shows ng TV5, pasok sa top 15 (SpinNation, pinag-usapan sa social media)

PATULOY na pinatutunayan ng TV5 na epektibo ang mga programming innovation nito dahil parami ng parami ang mga viewer na tumututok sa network at mas nagiging active rin ang presence nito sa social media.

Ayon sa datos mula sa Nielsen Media Research, consistent na napapabilang saTop 15 shows ang mga programa ng TV5. Sa Nielsen overnight NUTAM data noong November 17, kabilang ang Wow Mali Pa Rin at Who Wants to be a Millionaire sa Top 9-11 ranking ng mga programang matataas ang viewership ratings sa buong bansa. Ang TV5 telecast naman ng Alaska Aces vs. Rain or Shine Elasto Painters game ng PBA ay nakapuwesto sa Top 12.

Malaking bagay din ang aktibong partisipasyon ng mga TV5 viewer at fans sa social media dahil madalas makasama sa trending topic ng Twitter ang mga programa ng Kapatid Network. Sa katunayan, ang pilot episode ng bagong music show ni Jasmine Curtis Smith na SPINNation noong nakaraang Sabado ay pinag-usapan lalong-lalo na sa social media. Ilang minuto bago ito umere ay prominente na sa Top 2 sa Twitter trending topics ang programa, at agad din itong umakyat sa Top 1 habang umeere.

Ang mga encouraging development na ito ay mas lalong nagpapagana sa TV5 na maghandog ng mas marami pang de-kalidad na mga programa. Sa mga darating pang buwan ay mas marami pang mga bagong programang ilulunsad ang TV5 na mas lalong mag-eenganyo sa mga Pinoy na maglipat at maging Kapatid viewers.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top