Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pananampal ni Anne, justifiable ba?

Pananampal ni Anne, justifiable ba?

PURO lait ang inabot ni Anne Curtis dahil sa pananampal kay John Lloyd Cruz at dalawa pang personalities at sa pagsasabi niya kay Phoemela Barranda na kaya niya itong bilhin maging ang friends nito.

“Is it justifiable to hit people? Kailan pa naging equivalent ang door banging sa face slapping? Or what she said about buying people?” komento ng isang guy.

Kahit nag-sorry na ay walang dating iyon sa isang fan who said, ”Of course she’ll apologize. It’s automatic for a celebrity to do so. They are all well versed in DAMAGE CONTROL 101. But that doesn’t mean she’s sincere in her apology. Blaming juice cleanse and alcohol is a low blow. Yes you can slap around people when you’re angry. Anyone can do that when provoked. But can you really say what she said to those people? That’s her true character.”

Sabi naman ng isa pa, ”still not justifiable. Kahit saang anggulo mo tignan, MALING-MALI si Anne. Hindi pwedeng irason na tao lang siya at nalasing lang siya kaya niya nagawa ‘yun. That’s her true character right there. Napakabulok.”

One guy defended Anne and said, ”ayun nman pala, kung hindi ba nmn ginawa nila JLC un kay anne eh, di sana hindi nagalit yung tao. nakakapikon din yun kaya at saka nakainum pa siya sa oras na yun.”

A close friend, Vice Ganda tweeted her support for Anne.

“Condemn the act not the person. I don’t tolerate the act. But I support my friend,” sabi niya.

So, para na rin niyang sinabi na kung mayroong taong nakapatay ay dapat i-condemn lang ang act at hindi ang taong iyon. Ganoon ba ‘yon, Vice?

Dingdong at Yes Pinoy Foundation, nagtulungan sa pagpapatayo ng classrooms sa Iloilo

CLASSROOMS sa Estancia, Iloilo ang ipatatayo ni Dingdong Dantes sa pakikipagtulungan ng Yes Pinoy Foundation.

“Naging scholar din ako ng maraming tao kaya it’s time to give back. Mas maganda ‘yung ikaw ang nagbibigay kaysa naman ikaw ang nabibigyan,” esplika ni Dingdong sa pre-Christmas party tendered by PPL Entertainment headed by Perry Lansigan for the movie press.

Naging advocacy na ni Dingdong ang tumulong sa mga kabataan.

Si Dingdong ang pinagkaguluhan sa party pero naroon din ang iba pang PPL talents like Jolina Magdangal, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Geoff Eigenmann, Wendell Ramos and Angelika dela Cruz.

Wala pang idea si Dingdong kung ano ang ibibigay niyang Christmas gift kay Marian Rivera at hindi naman sila sa ibang bansa magse-celebrate ng Yuletide season.

“Sa bahay lang kami ng tatay at nanay ko then sa December 25 ay pupunta naman ako sa bahay ni Marian,” chika ni Dingdong na isa sa pinakamabit na male celebrities na nakilala namin.

Facebook fan page, naduwag

ABOT-LANGIT ang kabobohan at katangahan ng isang Facebook fan page.

Imbiyerna ang admin nito, we wrote something against his idol Marian Rivera. To get even ay nag-imbento ang MORON na ito when he posted a photo of a man na nakadila sa isang babae and made it appear na kami ‘yon.

Hindi kami ang nasa photo kaya naniniwala kaming IDIOTA ang kanyang INA at BOBO  ang kanyang AMA kaya siya ay lumaking ESTUPIDO.

Actually, duwag naman ang fan page na ito dahil kaagad nilang binura ang picture ng isang male celebrity nito na nasa kabaong.

Ang dami talagang IDIOT sa Facebook, ‘no!

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top