Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / K-One karaoke ‘pokpokan’ club sa Binondo protektado ng MPD PS 11!?

K-One karaoke ‘pokpokan’ club sa Binondo protektado ng MPD PS 11!?

00 Bulabugin JSY

HETO pa ang isang hindi natin alam kung kanino rin nanghihiram ng tapang at kapal ng mukha.

Isang KTV ‘POKPOKAN’ CLUB na may mga Chinese prosti ang inirereklamo d’yan sa Sto. Cristo, Binondo na madalas kinakikitaang tinatambayan ng mga pulis na taga-Manila Police District PS 11.

Kaya nga super-lakas raw ang ‘sindikatong’ nagmamay-ari ng K-ONE KTV ‘pokpokan’ Club.

Napakahigpit magpapasok dahil kapag walang KASAMANG INTSIK na GUEST ‘e hindi ka basta makapapasok sa nasabing KTV/CLUB.

Mayroon pang apat na security at sa dalawang security post ay mahigpit ang inspection.

Ang matindi nga mayroong mga pulis na taga-MPD PS11 ang nakabantay at nagsisilbing ‘POSTE’ sa lobby ng pokpokan club.

Ayon sa ating very reliable source, utos daw ng mataas na opisyal sa city hall na BANTAYAN at proteksyonan ng mga lespu ang nasabing lugar.

Matindi raw kasi ang KALAKALAN ng LAMAN sa loob ng KTV/CLUB.

SarhenTONG ‘este’ Sarhento BONG CRUZ, totoo bang BATANG SARADO mo ang laging nakaposte at security sa lugar na ‘yan?

Nagtatanong lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top