Saturday , August 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 1 patay 13 sugatan (Jeep nag-dive sa creek)

1 patay 13 sugatan (Jeep nag-dive sa creek)

PATAY ang isang  dalaga habang labintatlong pasahero ang malubhang nasugatan nang mahulog sa isang malalim na creek ang sinasakyang pampasaherong jeep Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Commonwealth Hospital ang  biktimang kinilalang si Sylvia Comendador, sanhi ng sugat sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang 13 iba pa ang ginagamot sa magkakaibang hospital.

Sa ulat ni PO3 Michael Calora, may hawak ng kaso, dakong 12:00 ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente  sa Zapote Road, Camarin ng nasabing lungsod.

Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng jeep, may plakang DFH 786, biyaheng Camarin, nagulat na lamang sila na lumusot at tumilapon ang jeep sa harang ng malalim na creek sa lugar.

Pinaghahanap ang driver ng jeep na mabilis tumakas sa lugar ng insidente.

(Rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top