Wednesday , May 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 bagets timbog sa deodorant

2 bagets timbog sa deodorant

HULI sa closed circuit television (cctv) ang pang-uumit ng dalawang kelot ng deodorant na  umiiwas  maakusahang may putok, sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kulong ang mga suspek na kinilalang sina John  Peralta, 16-anyos, ng Milagrosa Street, at Rucy Alforte,  18, ng Ipil Alley, kapwa ng Bagong Barrio, ng lungsod na nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Batay sa ulat, dakong 3:40 ng hapon kamakalawa  nang pumasok at nagkunwaring costumer sa isang convenience store kanto ng Benin at EDSA.

Pasimpleng isiningit ng dalawang suspek sa kanilang beywang ang tig-dalawang deodorant at wala silang kaalam-alam na kitang-kita sa cctv ang kanilang ginawa.

Nagmamadaling lumabas ang dalawa pero hindi sila pinakawalan ng sekyu at agad dinala sa himpilan ng pulisya. (rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top