Wednesday , May 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / No. 1 drug dealer sa Pangasinan utas sa shootout

No. 1 drug dealer sa Pangasinan utas sa shootout

DAGUPAN CITY – Patay ang itinuturong No. 1 drug dealer sa lalawigan ng Pangasinan makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Kinilala ang napatay na suspek na si Elias Sultan, habang naaresto naman ang kasama niyang si Benito Monse.

Sinasabing nanlaban ang suspek nang arestuhin kaya’t napilitan ang mga awtoridad na siya ay paputukan.

Tinangka ng suspek na maghagis ng granada ngunit hindi naman ito sumabog.

Nagawa pang makatakbo sa talahiban ang sugatang suspek bago nahuli ng mga awtoridad saka isinugod sa ospital ngunit binawian din ng buhay.           (B. JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top