Wednesday , May 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Retirado nagbaril sa ulo

Retirado nagbaril sa ulo

NAGPAKAMATY ang isang retiradong kawani gamit ang isang baril sa hindi pa malamang dahilan sa Paranaque City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Parañaque police chief Senior Supt. Ariel Andrade ang biktimang si Benjamin Manzano, 53,  ng 102 Tirona St., BF Homes sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, dakong 5:30 ng hapon natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang asawang si Michelle Manzano, sa loob ng Toyota van na nakaparada sa labas ng kanilang bahay.

Nakita ang bangkay sa hulihang upuan ng van habang hawak pa sa kanang kamay ang  kalibre .22 revolver na may pitong bala at isang basyo.

Nakuha rin sa loob ng van ang isang liham ng pamamaalan na may nakasaad na: “Nagpakamatay ako at ayaw ko ng sabihin ang dahilan, personal ito.”

Tumanggi naman ang pamilya ng nagpakamatay na magsagawa ng awtopsiya sa bangkay sa paniwalang walang nangyaring foul play.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top