Thursday , June 5 2025

Filipinos kontra Latinos sa “Pinoy Pride XXIII”

MATAPOS ang tagumpay  ni Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios, limang magigiting na boksingero naman ang buong puwersang magtatayo ng bandera ng Pilipinas kontra sa mga Latino sa magaganap na  “Pinoy Pride XXIII: Filipinos Kontra Latinos” ngayong Sabado (Nov 30), 6 PM, sa Araneta Coliseum.

Gamit ang kani-kanilang kamao, buong pusong sasabak ang limang mandirigma sa ring para sa bayan at para sa kani-kanilang dangal at pamilya.

Para sa WBO World Light-Flyweight Champion na si Donnie “Ahas” Nietes, alay niya sa kanyang mga anak ang mapanatili ang kanyang world championship title kontra kay Sammy “Guty” Gutierrez ng Mexico.

Layunin din ni WBO World Minimum Weight Champion Merlito “Tiger” Sebillo na madepensahan ang kanyang titulo at huwag mabahiran ang kanyang undefeated record sa boxing. Bukod pa riyan alay niya rin ang kanyang laban kontra Carlos “Chocorroncito” Buitrago ng Nicaragua sa inang yumao noong nakaraang taon.

Gutom naman para sa tagumpay sina Milan “El Metodico” Melindo na makakatuos si Jose Alfredo “Torito” Rodriguez ng Mexico at si AJ “Bazooka” Banal na makakabangga si Lucian Gonzalez ng Puerto Rico dahil pareho nilang gustong mabawi ang championship belt sa kanilang weight divisions.

Samantala, determinado naman si Jason “El Nino” Pagara na makuha na ang kanyang unang world championship sa kanyang napipintong pakikipagbakbakan kay Vladimir Baez ng Dominican Republic.

Mapapanood ang special telecast ng “Pinoy Pride XXIII: Filipinos Kontra Latinos” sa Linggo (Dec 1), 10:15 AM, sa ABS-CBN at 8 pm naman sa Studio 23.

About hataw tabloid

Check Also

Don Bosco Tarlac Chess Team nagningning sa paligsahan ng chess sa Bangkok

Don Bosco Tarlac Chess Team nagningning sa paligsahan ng chess sa Bangkok

NAGKAMIT ng mga individual awards ang Don Bosco Tarlac Chess team sa Red Knights Chess …

Arvie Lozano Vientiane Open FIDE Rated Standard Chess Tournament

WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos

WALANG makalalapit kay Woman National Master Arvie Lozano kapag nasa paligsahan na siya. Gaya ng …

Alex Eala

Eala pokus sa Grass Season sa Birmingham, England

GORA ang sentro ng atensiyon ni Alex Eala sa grass season pagkaraan ng kanyang ratsada …

43rd PAL Manila International Marathon sa CCP Complex

43rd PAL Manila International Marathon sa CCP Complex

ASAHAN ang isang kalidad na karera sa ika-43 edisyon ng Philippine Airlines Manila International Marathon …

BARMM Palarong Pambansa 2025

Pangarap ng mga atleta ng BARMM, pinalakas ng MILO sa paglalakbay tungo sa Palarong Pambansa 2025

DAVAO CITY – Habang ang bansa ay naghahanda para sa inaabangang Palarong Pambansa 2025 na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *