Friday , September 19 2025

Bryant lalaro na

SA ensayo ng Los Angeles Lakers,  naka-shorts at sweatshirt si Kobe Bryant at nababanaag sa kanya na handa na siyang bumalik sa laro anumang oras.

Pagkatapos pumirma ng two-year contract extension ni fourth-leading scoring sa historya ng NBA na si Bryant,  sinabi nitong hindi na niya mahintay pa na makapaglaro muli at tulungan ang Lakers na manalo sa mga laban.

‘’The Lakers came up with the structure – a system and a plan they thought was a win-win for everybody involved. From my perspective, it was very easy to accept it,’’ saad ni 5-time NBA champions Bryant.

Hindi pa nakalalaro si Bryant ngayong 2013-14 NBA season dahil nagpapagaling pa ito sa natamong injury noong April.

Sa tatlong road games trip ng Lakers ay hindi pa maglalaro ang 2008 MVP Bryant subalit sa Disyembre 6 ay malaki ang posibilidad na makapaglaro na ito kontra Sacramento Kings.

‘’Those three days when we get back are going to be huge,’’ ani Bryant. ‘’I need some more practices to measure it and test it.’’

Nakakuha si Bryant ng bagong kontrata sa halagang $48.5 million.

Nagpasalamat naman si Bryant sa Los Angeles dahil kinuha pa rin siya kahit galing siya sa mahabang bakasyon.

‘’It makes me want to run through a wall for them,’’ sabi ni Bryant. ‘’It kind of adds more fuel to the fire to be able to prove to everybody that they’ve got it right – and everybody else is wrong.’’

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas gumulat sa Egypt sa makasaysayang panalo sa FIVB World Championship

IPINAHAYAG ng Alas Pilipinas ang kanilang pagdating sa pandaigdigang entablado matapos ang isang nakakakabog na …

Morally Jockey Alvarez grand slam Metro Turf Prince Cup

Morally, Jockey Alvarez, grand slam sa Metro Turf Prince Cup

BINALEWALA ng tatlong taon na kabayo na si Morally ang malakas na ulan at maputik …

Alas Pilipinas

Espejo, Bagunas, Alas Pilipinas target ang panalo kontra Egypt

DALA ang mas matataas na inaasahan matapos ang hindi magandang simula, inaasahang makakabawi ang Alas …

Alas Pilipinas Bryan Bagunas

Sa FIVB Volleyball Men’s World Championship
Egypt ‘di babalewalain ng Alas Pilipinas

HNDI babalewalain ng Egypt ang first-timer na Alas Pilipinas, naniniwalang may magandang koponan ang host …

2025 FIVB Mens Volleyball World Championhip

Presyo ng ticket sa laro ng volleyball binabaan

I-FLEXni Jun Nardo BINABAAN na ang halaga ng tickets para sa on-going 2025 FIVB Men’s Volleyball …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *