Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Regine Tolentino, masaya sa pagkakasali sa Be Careful With My Heart

Regine Tolentino, masaya sa pagkakasali sa Be Careful With My Heart

KAHIT busy si Regine Tolentino bilang mother and wife at businesswoman and Zumba expert, may time pa rin siya sa showbiz.

Masaya si Regine dahil mas visible na naman siya sa showbiz. Naging bahagi siya kamakailan ng top rating ng TV series na Be Careful With my Heart nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria  bilang wedding planner nina Maya at Sir Chief. Bukod dito’y part din si Regine ng Unang Hirit ngGMA-7. Kaya kapwa nakalalabas siya sa Siyete at Kapamilya Network.

Ayon pa kay Regine, masayang-malungkot siya ngayon. Masaya dahil nag-enjoy talaga siya sa pagiging bahagi niya ng naturang show at sa naging papel niya sa engrande at espesyal na kasalan nina Maya at Sir Chief. Pero may halong lungkot dahil tapos na nga ang kasalang ito.

Pero posible namang makatrabaho pa ulit ni Regine ang mga kasamahan sa Be Careful with My Heart.

Umaasa nga si Regine na magtutuloy-tuloy na ang paglabas niya ulit sa TV. After all, isa siya sa original na baby ni Mr. M. or Johnny Manahan noong nagsisimula pa lang ang dating MTV Asia VJ sa showbiz.

Anyway, isa si Regine sa paboritong designer ngayon ng marami nating celebrities. Pero bukod sa kanyang pamamahala sa kanyang Regine’s Boutique sa San Juan City sa likod lang ng Broadway Centrum, may oras pa rin siya lagi para sa kanyang mahal na pamilya.

Matatag ang pagsasama nila ni Lander Vera Perez and together with their two angels—sinaReigne at Reigen, larawan sila ng isang masa-yang pamilya.

Nakakatuwa nga nang proud na proud na ini-announce ni Regine na si Lander ay isa na rin licensed Zumba instructor.  “Super duper proud of you papsi! Who would have thought that 2 years after I forced you to join a zumba class, you would be a #zumbaaddict…” saad ni Regine sa Facebook.

Miles Ocampo, excited sa pelikulang Pagpag

MASASABING biggest break ng young actress na si Miles Ocampo ang pelikulang Pagpag na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ang pelikula ay entry sa forthcoming MMFF this December.

Ayon sa dalagita, masaya sila sa shooting ng naturang pelikula. “Masaya, masaya po ang paggawa namin nitong Pagpag, lalo na sa akin na it’s my first time to do a horror film po. Kaya excited po ako, tapos ang mga kasama ko pa po ay mga kaibi-gan ko.”

Ibinuking naman niya ang pagiging sweet nina Daniel at Kathryn sa pelikulang ito, kahit na raw off camera. “Wala po akong masasabi sa dalawang iyon, sobrang sweet no’ng da-lawa. And kung ano sila sa on-cam ay ganoon din sila kapag off-cam. Kaya siguro lalong nagwo-work ang love team nilang dalawa.”

Ayon kay Miles, ibang horror movie ang Pagpag at may kilig moments din daw sa pelikula nila.

“Ay, marami po silang mararamdaman siyempre, iyong takot po kasi sa movie’ng ito, hindi ito iyong parang mae-expect mo na takot e. Na parang, ‘oo, maghahanda na ako, matatakot na ako.’ Parang… magugulat ka na lang na nandirito na pala iyong takot.

“At saka, mayroon din pong kilig sa movie namin at iyong hindi namin ine-expect na matatawa kami, matatawa kami talaga.”

Si Miles ay napapanood din sa youth oriented show na Luv U ng ABS CBN na tinatampukan din nina Nash Aguas, Ale-xa Ilacad, Kiray Celis, Igi Boy Flores, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Sophia Baars, Kobi Vidanes, Smo-key Manaloto, at iba pa.

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top