Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 bus magkasunod hinoldap sa EDSA

2 bus magkasunod hinoldap sa EDSA

MAGKASUNOD na hinoldap ang dalawang pampasaherong bus ng iisang kompanya sa kahabaan ng EDSA kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, apat na armadong lalaking sumakay ng Baclaran-bound Malanday Metrolink bus ang nagdeklara ng holdap pagsapit sa EDSA-Kamuning dakong 10:25 p.m.

Kinulimbat ng mga suspek ang mahalagang gamit ng mga pasahero katulad ng cellphones at wallets.

Kabilang sa mga biktima si Radio dzMM researcher Ramil Simbajon, na nag-report sa insidente sa Quezon City Police District Station 10 sa Kamuning.

Pagkaraan ay hinoldap naman ang isa pang Malanday Metrolink bus habang patungo ng Valenzuela dakong 2 a.m.

Ayon sa konduktor ng bus na si Warren Hernandez, sumakay sa bus ang apat kalalakihan sa North EDSA at nagdeklara ng holdap pagsapit ng EDSA-Muñoz.

Bukod sa mahalagang gamit ng mga pasahero, kinulmbat din ng mga suspek ang koleksyon ng konduktor na umaabot sa halagang P3,000.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top