Thursday , September 18 2025

Tanod ‘itinumba’ sa barangay outpost

INIIMBESTIGAHAN pa ng mga awtoridad ang pagkakapaslang sa isang barangay tanod, nang ratratin ng  dalawang armadong lalaki sa Quezon City, kamakalawa.

Dinala agad sa punerarya ang bangkay ng biktimang si Agapito Aloro, 48-anyos,  ng 92 Saint Paul St., Brgy. Holy Spirit imbes sa ospital o magparesponde sa pulis.

Sa ulat ni PO2 Ric Roldan Pitong ng Quezon City Police District – Cri-minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong 11:05 ng gabi sa loob ng barangay outpost sa nabanggit na barangay.

Base sa kuwento ng nagngangalang Perry, nasa loob sila ng outpost kasama ang biktima nang dumating ang dalawang suspek at agad pinaputukan sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan at ulo si Aloro.

Matapos barilin ng mga suspek  ang biktima, pinalo naman ng baril si Perry sabay sabing “Huwag kang makikialam” bago naglakad papalayo sa lugar ang mga suspek.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *