Thursday , November 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Binatilyo patay sa bugbog 3 bagets timbog

Binatilyo patay sa bugbog 3 bagets timbog

ARESTADO ang tatlong kabataang lalaki makaraang patayin sa bugbog ang isang binatilyo sa Urbiztondo, Pangasinan kamaka-lawa.

Si Justin Solomon, 16, ay lumabas ng kanilang bahay para bumili ng mobile prepaid load sa Brgy. Batangcaoa nang bigla siyang kuyugin ng isang grupo ng mga kabataan, ayon sa pinsan ng biktima.

Ang mga suspek na may gulang na 19, 18 at 16, ay agad naaresto makaraan ang insidente.

Ang dalawa sa kanila na nasa hustong gulang ay haharap sa homicide charges.

Hindi naman makapaniwala ang ina ni Solomon sa pagkamatay ng anak, idiniing bihirang masangkot sa gulo ang biktima. (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top