Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / P.5-M naabo sa Maynila

P.5-M naabo sa Maynila

Tinatayang aabot sa kalahating milyon piso ang halaga ng ari-arian na nasunog sa dalawang palapag na apartment sa Zobel Roxas Street, San Andres Bukid, Maynila, Linggo ng umaga.

Ayon sa Manila Fire District, sumiklab ang apoy dakong 6:18 ng umaga sa unit na inuupahan ng isang Cely del Mundo.

May isang matanda at dalawang bata ang napaulat na nawawala, pero kalauna’y nabatid na nagsimba kaya hindi nakita nang magkasunog.

Dahil gawa sa light materials ang lumang  apartment, madaling kumalat ang apoy. Isang Rebecca Villanueva ang nagmamay-ari ng 10-door apartment. Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago naapula  dakong 7:00 ng umaga.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. (L. BASILIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top