Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jessy at Sam, nagkakamabutihan na raw

Jessy at Sam, nagkakamabutihan na raw

DIBDIBAN na  ang panliligaw ni Jake Cuenca kay Jessy Mendiola na lead star ng Maria Mercedes

ng Kapamilya Network.

Inamin ng binata na totohanan ang ginagawa niyang panunuyo sa dalaga. Sa mga romantic scene nilang dalawa sa nasabing serye, bawat linyang binibitawan ni Jake sa kanyang leading lady ay totoo raw na nanggagaling sa kanyang puso. Naging madali nga para sa actor ang magpahiwatig ng kanyang tunay na damdamin sa young actress dahil totoo namang nangliligaw siya rito.

Sa takbo ng istorya ay mag-dyowa na sila . Pero nanganganib na magkahiwalay nang dahil kay  Nikki Gil na ex-girlfiend ni Jake. Maging ang matapobre niyang Mama Mia na si Donya Malvina (Ms. Vivian Velez) ay tutol sa kanilang pag-iibigan.

Maging si Jessy nadadala sa mga romantic scene nila ni Jake dahil in real life, totoong malaki ang pagkakagusto sa kanya ng binata. Hindi gimik ang pagiging vocal ng actor sa tunay niyang saloobin kay Jessy. Kahit alam ni Jake na naunang nagpahiwatig si Sam Milby ng kanyang damdamin sa young actress. Hindi naging hadlang ito para hindi niya ituloy ang panunuyo sa kanyang leading lady.

“Ayaw kong masira ‘yung pagkakaibigan naming ni Sam Milby. Ginagawa ko lamang ‘yung nararamdaman ko, gusto ko talagang ligawan si Jessy,” sabi ni Jake.

May balitang nagkakamabutihan na raw sina Jessy at Sam na pinabulaanan naman ni Jake kaya’t patuloy pa rin ang pangliligaw niya sa dalaga. Naniniwala ang magaling na actor na wala pang namamagitan sa dalawa.

“May ganoong balita pero alam kong hindi sila (mag-dyowa),” simpleng sagot ni Jake.

Sa totoo lang, naramdaman naming kung gaano kamahal ni Jake si Jessy. Sa takbo ng pangliligaw nito, mas nakalalamang ang actor kay  Sam. Palaging magkasama ang dalawa sa taping, mag-dyowa pa sila sa soap at mas nakikilala nila ang isa’t isa.

Kuya Boy, ginusto ring mag-apon noon

NAKAUSAP naming si Boy Abunda sa taping ng bago niyang show na  Buzz Ng Bayan withJanice de Belen at Carmina Villaroel bago ito tumulak papuntang US kasama ang long time partner na si Bong Quintana for a pleasure trip.

Sinabi nito na sobra ang paggalang niya sa mga gay lover na gusting magpakasal. He will fight for the right of people to get married. Sinusuportahan niya ang same sex marriage movement.

Say ni Kuya Boy, ”Hanggang dulo, I will advocate that parasa LGBT community that deserve the same right at anybody else in this world. Babae, lalaki, kung gusto ng isang tao magpakasal, dapat bigyan siya ng karapatan magpakasal.”

Pero sa kaso nina Kuya Boy at ang live-in partner niyang si Bong, maligaya silang nagsasama kahit hindi kasal. ”Personally ako, hindi ako magpapakasal kay Bong. At ang pananaw ni Bong, hindi rin siya magpapakasal, bakit ? We are in a very special situation. Una, napaghandaan na naming ito. Napag-usapan naming ni Bong kung paano naming mapaghahandaan ang eventuality. Halimbawa, isa sa amin ay mawala rito sa mundo. So, we consult it with financial advicer. ‘Yung properties naming nakaayos lahat ‘yun.

“Pangalawa, we’ve been together for 30 years. Hindi naming kailangan ang papel, ito’y opinion lang namin. Hindi naming sinasabi ito na that it will work for others. Hindi naming naiisip ni Bong na magpakasal dahil we don’t even need for a marriage. That’s nothing to do with the right to get marriage. Sa ibang tao siguro, ang pagmamahal ay sapat na. Sa amin, napaghandaan na namin, kung si Bong ang mauna, protektado ako. Isinaayos naming ang aming finances, ang aming kakaunting properties. Kinausap naming ang aming mga pamilya. Ang may karapatan sa aming buhay ay kami. It’s very dangerous to say, love is enough,” makahulugang pahayag ng King of Talkshow.

Ayon pa kay Kuya Boy, ”Dito sa Pilipinas, kung mabibigyan, sino ang papayag? Para ‘yan sa ating mga magulang, may babae at lalaki naniniwala sa kasal, mayroong hindi. Kasi kami, 30 years na kami, it’s not something we talk about. Napag-usapan naming isang beses pero it’s not something na kailangan natin magpakasal para we have security in our relationship. Hindi ko rin sinasabi na napaka-secure naming ni Bong. You know, 30 years is not guarantee for another year. Relationship is a dicision that you make in your life. What’s gonna happen next? You don’t know. So, ayaw ko rin mag-ilusyon.”

Minsan sumagi rin sa isipan nina Kuya Boy at Bong na mag-ampon tulad ng ibang gay lovers. ”Ang pag-ampon ay pinag-usapan naming ng maraming taon. Ako ‘yung una, gusto ko. Pero ngayon, parang nawala na ‘yan, ibinaling na lang naming ang aming atensiyon sa aming mga pamangkin. Pero there was a time, I am badly wanted to adopt. Pero ngayon, naiintindihan ko na si Bong. Tayo nga, walang time sa isa’t isa. Baka hindi tayo maging mabuting mga magulang? Bakit pa tayo mangdadamay ?Angsinasabi ko lamang, ayaw kong maging stereo type, ayaw kong mag-formula. What’s work for me, my not work to others. Ito’y kuwento ko lamang, ang iba, sobra silang saya mayroon silang adopted children,” paliwanag pang mabuti ni Kuya Boy.

Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top