Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 13-anyos dalagita ginapang ng kapitbahay

13-anyos dalagita ginapang ng kapitbahay

NAGA CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaking nang-abuso sa isang dalagita sa Pagbilao, Quezon.

Batay sa report ng pulisya, nagtungo sa pulisya ang 13-anyos na biktima kasama ang kanyang ina upang ireklamo ang suspek na kinilalang si Antonio Lusterio.

Sa imbestigasyon, naiwan sa kanilang bahay ang biktima kasama ang kapatid na lalaki noong Nobyembre 12.

Habang natutulog ay bigla na lamang nagising ang biktima at nakita ang suspek na hinihipuan ang kanyang dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Nang makitang nagising ang biktima ay agad tumakas ang suspek.

Napag-alamang nagdulot ng labis na trauma sa dalagita ang pangyayari, na halos araw-araw ay bigla na lamang nanginginig.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top