Saturday , April 27 2024

Hacker ng gov’t sites nadakma sa Butuan

BUTUAN CITY – Matagumpay na nahuli ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation Central Office at Caraga Region kahapon ng madaling araw ang isa sa pinakaaktibong miyembro ng hacking collective group na Anonymous Philippines, sa search operation sa mismong pinagtatrabahuhan ng suspek sa Butuan City.

Kinilala ang suspek na si Rodel Plasabas, 24, walang asawa, at residente ng Brgy. Ambago nitong lungsod, at isa sa mga nag-o-operate ng kanilang grupo sa Butuan, ang Anonymous Butuan.

Ayon kay NBI-Central Office Team Leader Victor Lorenzo, may challenges silang nasalubong bago ang operasyon dahil sa cyber world, ang anonymity  aniya  ay armas ng mga miyembro upang maitago ang kanilang identification kaya’t tumagal ang kanilang imbestigasyon.

Ngunit nang ma-track ang suspek sa pamama-gitan ng kanyang partisipasyon sa website hacking o kaya’y defacement lalo na sa 38 government websites nitong Nobyembre 4 lang, dito na sila nag-apply ng search warrant na nagresulta agad sa pagkahuli sa suspek sa Burgos St., Butuan City.

Kasong paglabag sa E-Commerce Act sa ilalim ng Republic Act 8792 lalo na sa Section 33 ang kanilang isasampang kaso laban sa suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings at sakaling mapatunayang guilty ay maaaring mabilanggo ng tatlo hanggang anim na taon.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *