Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ariella, natalo man, pinupuri pa rin

Ariella, natalo man, pinupuri pa rin

DISAPPOINTED ang maraming Pinoy dahil hindi naging Miss Universe si Ariella Arida. Third runner-up lang siya sa contest na ginanap sa Russia. Pero makikita mo, hindi sila disappointed kay Ariella, in fact pinupuri pa rin nila iyon dahil hindi lamang siya gusto ng mga Pinoy, siya ang crowd favorite kahit na sa Russia. Siya rin ang paborito ng mga sponsor at may pinaka-maraming participation sa lahat ng mga commercial endorsement ng Miss Universe. Disappointed sila sa naging desisyon ng mga juror sa Miss Universe, dahil sabi nga nila kitang-kita naman na angat si Ariella sa contest na iyon.

Pero kagaya nga ng nakalagay sa cancha sa jai-alai, “el fallo del juez es inapelable”. Basta sumali ka sa ganyang contest, ikaw man ang pinakamaganda, ikaw man ang gusto ng higit na nakararami, kung sino ang gusto ng judges iyon pa rin ang mananalo. Kaya nga sinasabi namin eh, kalokohan iyang pagboto sa text, o kahit na sa internet. Hindi naman pinakikinggan iyan eh, gagastos lang kayo.

Pero maganda ang ipinakita ni Ariella. Sa kabila ng kung ano-anong pamimintas ng kanyang basher na si Mohan Gumatay, alyas DJ Mo, siya lamang ang walang interpreter sa top 5, at nasagot niya ang tanong sa kanya sa matuwid na wikang Ingles. Kaya nga sinasabi pang siya ang perfect candidate eh kasi bukod sa nakasagot siya nang tama, maganda ang kanyang sagot na nagsusulong sa edukasyon. Sayang nga lang dahil mismong sa Pilipinas na bayan niya, hindi makapagpatayo ng sapat na classrooms sa kabila ng napakalalaking pork barrel, DAP, social fund at charity fund, na ewan kung saan napupunta. Idagdag mo pa ang inaambos pa nila sa napakaliit nang kita ng Metro Manila Film Festival.

Sa paglalakad lamang ni Ariella, may naimbento na naman silang isang term, iyong “Haiyan walk”  para raw kasing si bagyong Haiyan, o Yolanda ang dating niyon. Iyan naman ang maganda sa mga Filipino eh, sa kabila ng kalamidad nakatatawa pa sila. Kung sa bagay nakatatawa pa nga ang mga Pinoy kahit na alam nilang mga magnanakaw ang nasa gobyerno nila eh.

Anyway, hindi pa naman lost ang lahat. Siguro matapos ang isang taon niya bilang Binibining Pilipinas, maaaring maging artista rin iyang si Ariella para naman may magandang baguhan sa showbusiness at mag-retire na iyong matandang artistang mukhang sinalanta na ng Yolanda.

Pagpatol sa mga basher, dapat nang itigil ni Sharon

PALAGAY namin, hindi na dapat pang pinapatulan ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang bashers. Ano man ang sabihin niya, hindi naman mawawala ang mga ganyang tao eh. Minsan maiisip mo rin, baka iyon ang pagkakamali ng mga artista eh, iyong masyado silang nagiging open dahil sa mga social networking site. Napipilitan kasi silang gamitin ang mga social networking sites para mag-promote ng kanilang TV shows.

Kasi ang paniwala nila, basta nag-trending sila sa social networking sites, panlaban na nila iyon sa shows na matataas ang ratings, lalo na iyong mga nasa malalakas na estasyon talaga. Hindi rin naman totoo iyon, na-e-expose pa sila sa mga bastos na bashers.

Kami nga ay may mga basher din, hindi lang sa internet. Gumagasta pa sila sa paglo-load ng unli text para lang mambuwisit sa isang cell phone na hindi na rin naman namin ginagamit. Minsan tinangka pa ng mga iilang fans ng matandang artistang iyon na i-clone pati ang aming social networking account. Pero ang sagot lang namin sa kanila, manigas kayo hindi ko kayo papatulan mga hunghang. Tinuruan ako ng parents ko na huwag makipag-away sa mga matatandang kagaya ninyo.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top