Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Professor nagbigti sa school lab

Professor nagbigti sa school lab

NAGBIGTI ang isang 47-anyos professor sa loob ng laboratory ng isang kolehiyo sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Emmanuel Osumo, walang asawa, professor at pinuno ng laboratory ng St. Jude College sa Dimasalang corner Don Quijote Street, Sampaloc, Maynila, at nakatira sa #1378 Ma. Cristina Street, Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District Homicide Section, dakong 8 a.m. nang matagpuan nakabigti ang biktima sa loob ng la-boratory ng nasabing kolehiyo.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima sa loob ng la-boratory school dakong 7:45 a.m. noong Nobyembre 11.

Iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top