Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Inaway ng syota kelot nagbigti

Inaway ng syota kelot nagbigti

HINDI nakayanan ng isang lalaki nang awayin siya at bantaang hiwalayan ng kanyang nobya kaya naisipan magbigti sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Fatima Medical Center (FMC)  ang biktimang kinilalang si Padz Espadillon, 19-anyos, residente  ng  La Huerta St., Brgy. Marulas.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima  sa loob ng ginagawang kulungan ng manok sa  likod ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Napansin umano ng kanyang mga magulang na mukhang may dinaramdam ang kanilang anak ngunit hindi naman nagsasalita hanggang matagpuan nilang nakabigti at patay na.

Mabilis umano nilang kinalag ang nylon cord na nakatali sa leeg ng biktima at isinugod sa ospital ngunit hindi na naisalba ng mga doktor.

Nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang makompirma kung sadyang nagpakamatay ang biktima  o may naganap na foul play.  (rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top