Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Call Center Girl movie, unang inalok kay Sharon (Pokwang, ‘di choosy kahit 2nd choice lang)

Call Center Girl movie, unang inalok kay Sharon (Pokwang, ‘di choosy kahit 2nd choice lang)

SA one-on-one interview namin kay Pokwang pagkatapos ng Q and A sa presscon ng Call Center Girl ay tinanong namin kung aware ang komedyana na ang nasabing project ay unang inalok kay Sharon Cuneta bago siya umalis, pero hindi na ito natuloy dahil lumipat na nga siya sa TV5.

At sa pagkakaalam din namin ay ni-revise ang script ng Call Center Girl na base sa karakter ni Pokwang.

Ayon sa komedyana, “tungkol po riyan, hindi ko po alam, I invoke my right,”birong sagot sa amin ni Pokie.

“Hindi kasi, ako naman, sabi nga ni Enchong (Dee), choosy ka pa ba, kung sa ‘yo in-offer noong una o hindi as long na maganda, at makatutulong sa career path mo, why not?” katwiran ng komedyana.

Samantala, para raw maging epektibo ang pagkakaganap ni Pokwang bilang Call Center Girl ay nagkaroon sila ng immersion nina Direk Don Cuaresma sa isang call center office at doon daw niya nalaman ang hirap ng trabaho ng mga ito.

“Sa pinuntahan naming call center, inalam ko talaga ang buhay nila, para rin silang OFW na hindi umaalis ng Pilipinas.

“Ganoon din, hindi rin nila nakikita ‘yung mga mahal nila sa buhay kasi baligtad ‘yung oras ng buhay nila, (tulog sa araw) parang nasa ibang bansa.  At ang maganda, hindi sila nagdi-discriminate ng gender, tanggap nila kung ano ka, as long as alam mong gawin ‘yung trabaho mo and alagang-alaga sila kung saan sila nagtatrabaho. Spoiled nga sila roon, lahat ng kailangan nila nandoon, in fairness,” pagkukuwento ng komedyana.

Bukod pala sa pagiging OFW ni Pokie ay naging ‘kasambahay’ din pala siya noong bata pa siya.

Kaya pala naikuwento niya sa Q and A na pinagalitan niya ang anak ng marinig nitong sinagot ng hindi maganda ang kasambahay nila.

“Kasi naging kasambahay ako during my high school days, ayun, para makapag-aral ako, tinanggap ko ang pagiging kasambahay at wala akong suweldo kasi sagot nila ‘yung tuition fee ko, pag-aaral ko, kumbaga iba talaga ang pagmamahal ko sa mga kasambahay kasi naranasan ko ang maging tulad nila.

“In-explain kong mabuti (sa anak) na,’imaginin mo, na ikaw ‘yung anak ng isang kasambahay at narinig mong ginaganyan-ganyan ang nanay mo, anong feeling mo?

“At nag-sorry naman ang anak ko (kasambahay) and after that, naging sobrang close naman sila, eh, kaya lang kasi nag-asawa na, so ayun, umuwi na ng probinsiya, I think hanggang ngayon may communication sila, kasi iyon halos ang nag-alaga sa anak ko,” buong kuwento ng komedyana.

Kuwento rin ng dating OFW at Kasambahay ay mabait daw ‘yung mga dating amo niya.

“Maayos ang trato sa akin, dalawa ‘yung inalagaan kong magkapatid, may mga hika, so tuwing sinusumpong sila ng hika, feeling ko kasalanan ko kaagad-agad kaya sobrang tutok ako sa magkakapatid na ‘yun,” kuwento ni Pokie.

“Dalawang beses akong naging katulong, noong nasa grade six ako and noong high school, dito lang sa Manila, malapit din lang sa lugar namin (Antipolo).

“Mahirap maging kasambahay kasi lalo na sa edad ko noon, napakabata (12) ko pa at ang hangarin ko lang naman makapag-aral.

“Gigising ka ng madaling araw, aasikasuhin mo ‘yung baon ng mga alaga mo, tapos pag-uwi ko (galing) sa school, magluluto pa ako ng hapunan nila, linis ako ng bahay, bago ako matulog make sure na malinis lahat,” seryosong kuwento ni Pokie.

Kapamilya ang turing ng komedyana sa mga kasambahay nila, “hindi ko sila pinag-u-uniform, walang ganoon, kung ano ang pagkain ko, pagkain din nila.”

Dalagita na ang anak ni Pokie at nag-usap na silang mag-ina tungkol sa mga manliligaw nito.

“Sabi ko naman sa kanya (anak) sa edad mong ‘yan (17), may mga manliligaw ka, bukas ang bahay at maganda ‘yung hindi ka pinupucho-pucho (biro-biro) ng lalaki kasi hindi naman pucho-pucho rin ang pag-aaalaga ko sa ‘yo.”

Sa nalalapit na debut ng anak ay sinabi ni Pokie na pinaghahandaan niya ito.

Pati ang pag-aaral nito sa kolehiyo na mahal ang tuition fee ay pinaghahandaan na rin ng komedyana at ang katwiran niya, “nag-iisa lang naman kaya ibigay na natin nang todo, hindi siya spoiled. Ang akin lang kasi, gusto ko maganda ang edukasyon niya kasi iyon ang hindi ko na-achieve, ang education (slang ang pagkakabanggit)).”

At nabanggit din ng aktres na, “si Ryan Bang kasi crush na crush niya ‘yung anak ko,” kaswal na sabi at tinanong namin kung anong reaksiyon ng anak ni Pokie, “wala, nangingiti lang, alam mo naman bungisngisera ‘yun, natutuwa siya kay Ryan Bang.”

Type ba ng dalaga niya ang aktor, “hindi ko naman natanong regarding kung type niya, pero natutuwa siya ni Ryan Bang. Oo, okay lang na ligawan ni Ryan Bang anak ko, mabait si Ryan Bang, mabait ang batang ‘yun at saka marespeto kahit saan mo makita,” saad ng komedyana.

Mahigpit ba si Pokie sa mga planong manligaw sa anak, “ako kasi alam na ng anak ko, kumbaga napag-usapan na namin ang limistasyon niya, at alam niya kung ano ang ikagagalit ko.

“Ang limitasyon niya sa akin pagdating sa pag-aaral, ibigay mo ng todo ang pag-aaral kasi itinotodo ko rin ang suporta sa pag-aaral mo, ngayon pagdating sa barkada, kasi alam mo naman ang panahon ngayon ‘di ba, mahirap magtiwala kung kaibigan mo lang ang kasama, ganito, nag-iisa na lang ‘yan, so sabi ko sa kanya, papayagan kita (pumunta), pero sana, kasama ‘yung driver at (yaya).

“Kasi katwiran ko, bakit kailangan mong tumanggi na may kasama ka kung wala ka namang gagawing masama, ‘di ba?” paliwanag mabuti ni Pokwang.

Mapapanood na sa Nobyembre 27 kasama sina Enchong Dee, Alex Castro, Diannme Media, Chocoleit, Jessy Mendiola, at John ‘Sweet’ Lapus mula sa direksyon ni Don Cuaresma.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top