Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vilma Santos: National Treasure

Vilma Santos: National Treasure

VILMA SANTOS is the most successful star in Philippine showbiz.

Sa pagkakaalam ko, ito ang buod ng concept/script ng sana’y 50th Anniversary in showbiz ng actress/politician noong nakaraang taon (2012), at matagal nang inihanda ng writer at kaibigang JC Nigado (aka Julio Cinco Nigado).

Maaalala na si katotong JC/Julio rin ang sumulat ng script noong1987 para sa 25th Anniversary in showbiz ni Vilma, na ang celebration ay ginawa pa sa musical-variety show ng aktres sa GMA-7, ang matagumpay na “Vilma!”

Doon niya unang binansagang “Star for All Seasons” si Vilma Santos, at iyon din mismo ang concept at title ng nabanggit na script.

Tulad ng “National Artist” ang bansag na “National Treasure” ay ‘di rin original at kung kani-kanino na ikinabit dito man sa atin o sa ibang bansa.

Ayon mismo kay JC, nauna niyang ginamit ang National Treasure na bansag kay Pilita Corrales, Asia’s Queen of Songs kung ituring sa media at music industry.

Sometime in 2005 or 2006, napanood  ni JC si Pilita sa isang special show sa Quezon City at talagang humanga siya sa wala pa ring kupas na husay sa pagkanta at live performance ng mahigit 70-anyos na talent.

Nilapitan niya umano si Pilita pagkatapos ng show at kinamayan niya ito sabay sabing “You are a National Treasure.”

Napangiti raw ang senior singer at mapagkumbabang sinabi “’Di naman,” at gusto lang umano niya ang kanyang ginagawa.

And that’s precisely the point: kapag gusto mo ang iyong trabaho o ginagawa ay pahahalagahan mo ito at irerespeto. At pag-iigihin mo pa ito nang husto na may dignidad at integridad.

Years later, nagkaroon pa ng show si Pilita Corrales na ipinalabas sa Teatrino sa Greenhills, San Juan City at iyon mismo ang ginamit na title—“Pilita: National Treasure.”

At kamakailan nga ay pinarangalan pa ang Cebuanang singer ng parehong citation na National Treasure, courtesy ng ilang taong malapit sa kanya at kilala siya.

Pero, ayon na rin mismo kay JC, talagang una niyang inisip na ibansag kay Vilma Santos ang National Treasure noon pang una niyang concept/script para sa 40th Anniversary in showbiz ng star-politician noong 2002.

But his plans were overtaken by certain events (both personal and professional) kaya ‘di na niya itinuloy iyon.

Last year, for Vilma’s 50th Anniversary in showbiz, ‘di rin natuloy ang script at plano ng celebration ni JC para sa “longest-reigning movie queen” for some reasons. So, sabi ko sa kanya ay isusulat ko na lang sa aking kolum ang tungkol dito.

Si JC Nigado ay ‘di naniniwala sa pamamalakad ng National Artist dito sa atin dahil ito’y lubhang nakukulapulan ng favoritism at pamumulitika. Kung sino-sino ang nasa poder at mga nakapuwesto sa CCP Board of Trustees at NCCA Board of Commissioners ay sila-sila rin ang magkakakutsaba sa magiging resulta para sa kanilang tatanghaling National Artist kuno.

And I agree with him 100 per cent. Ilan na bang mga nahirang na National Artist kuno ang inirereklamo ng marmi at ‘di naman karapatdapat? Mayroon diyang National Artist for Film daw pero puro B-movies naman ang ginawa. At may matagal nang taga-CCP mismo na pinili ng mga katoto nila.

Sa madaling salita, walang pinag-iba iyan sa iba’t ibang award-giving bodies na ang mentalidad ay “tayo-tayo” at “atin-atin” lang. Kundi man outright na “bayaran!”

Naniniwala ako na mas deserving na tawaging National Treasure si Vilma dahil na rin sa galing at durability niya sa industry at buhay.

In fact, nag-iisa siya sa trono “in successfully combining artistry and commerce in showbiz.”

Nalaos na lahat ang mga challenger niya; pero si Vilma ay nasa  tugatog pa rin ng tagumpay sa showbiz at public service.

Art T. Tapalla

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top