Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julia, sumailalim sa injectable procedure para pumayat

Julia, sumailalim sa injectable procedure para pumayat

NAPAG-USAPAN sa guesting ni Julia Montes sa Ikaw Na! ni Boy Abunda sa Bandila ng ABS-CBN ang pagiging slim ng aktres kaya halatang lalong lumitaw ang kaseksihan at kagandahan nito.

Aniya, noong nasa Going Bulilit pa raw siya ay chubby-check na siya kaya ngayong dalaga na, kailangan nang magpapayat para maging kaaya-aya sa TV.

Inamin ni Julia na dumaan siya sa isang procedure kaya siya pumayat. ”Yes po. May injectable po na can help you lose weight. Ito po ang SCG, parang it boost your metabolism tapos mayroon kayong susundin na 500 calories lang per day ang kakainin mo.”

Napag-usapan din sa nasabing guesting ng aktres sa segment ni Boy ang katatapos lang ng matagumpay na Muling Buksan Ang Puso na nakasama niya sina Enrique Gil at Enchong Dee. Nakagugulat ang pag-amin ng aktres na noong nagsisimula pa lamang sila ng taping ay talagang nagkakapaan silang tatlo sa set. As in, kailangan iba-ibang gesture ang ipakikita nila, iba-ibang nuances, ”So medyo, kapaan talaga,” aniya.

Inamin nito na nakasama na niya sina Enrique at Enchong sa magkaibang teleserye pero iba ang kani-kanilang role kaya naman dito sa pagsasama nila sa MBAP ay talagang nagkapaan sila kung paano maiba ang kanilang atake sa role na kanilang gagampanan.

Sa tanong kung nanliligaw sa kanya si Enrique, ”Wala naman pong ganoon … hmmpt, hindi ko po alam.” Ito ang naging pahayag ng aktres na sinabayan nito ng giggles. ”Friends din po kami kung ano kami ni Enchong.  Kung ano kami ni Enchong, ganoon din kami ni Enrique.”

Vilma, focus sa pagiging gobernador ng Batangas

NAKA-FOCUS ngayon si Vilma Santos sa kanyang pagiging gobernador ng Batangas at gagawin ang nararapat na serbisyo sa  nasasakupan dahil tatlong taon na lamang ang hinihintay at matatapos na ang kanyang termino. Aniya, gusto niyang matapos ang kanyang panunungkulan with honors.

Hindi nakalilimutan ni Ate Vi ang pagiging artista at malaki ang pagpapasalamat sa nasabing propesyon dahil ito ang nagluklok sa kanya sa pagka-alkalde noon sa Lipa City dahil kilala siya bilang artista.

But in fairness, napatunayan naman nito na nararapat siyang maging public servant base ito sa kanyang magandang record at ito ang dahilan kaya siya hinalal ng mga taga-Batangas bilang gobernador.  Kaya lang pagdating sa prioridad, mas una ang kanyang pamilya dahil dito nito kinukuha ang kanyang lakas kaya pursigido siya sa kanyang pagtatrabaho. Ikalawa, ang kanyang pagiging gobernador dahil kailangan tumbasan nito ang tiwala sa kanya ng taga-Batangas at ang pangatlo ay ang pag-aartista.

Ayon sa kanya, sa kanyang 50 years in the industry ay napatunayan na nito ang kanyang pagiging artista kaya naman, hinay-hinay na siya sa paggawa ng pelikula. Kapag alam niyang may problema ang kanyang nasasakupan ay hindi muna siya gumagawa ng pelikula until the time na balik-normal ang sitwasyon ng Batangas. Kapag puwedeng monitor na lang siya sa mga kaganapan ng Batangas ay doon siya gagawa ng pelikula.

Alex Datu

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top