Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arnold, unprofessional?

Arnold, unprofessional?

GRABENG batikos ang inabot ni Arnold Clavio nang kumalat sa social media ang interview niya sa lawyer ni Janet Napoles na si Aty. Alfredo Villamor.

Marami kasi ang nabastusan sa inasal ng GMA news anchor sa panayam niya. Halatang imbiyernang-imbiyerna si Arnold sa attorney.

Napanood namin ang nasabing video sa Facebook at maging kami ay naloka sa ginawa ni Arnold.

At one point, sinabihan ni Arnold ng ”panira ka ng araw.”

“Grabe ang bastos ni arnold ha? kausap nya abogado. At saka ‘yung abogado naman ay magalang ‘yung sagot sa kanya. ang gulo mo kasi magtanong arnold. tinatanong mo ‘yung sa illegal detention tapos PDAF na naman tapos balik na naman sa illegal detention. kaya sinisiguro ng abogado kung ano ang tinatanong mo. kasi ikaw ang magulo. kung naging bastos sana ‘yung abogado pwede mong bastusin kaya lang nagtatanong lang sya at magalang naman. feelingera ka arnold! ang mga mata mo pa naman parang luluwa na! matuto kang gumalang! sa kapwa tao mo!”

“Unprofessional ni arnold. Kahit mejo malabo yung mga sagot nung lawyer di nya dapat pinagsalitaanvng ganun. Nationwide pa.”

“Rude siya, unprofessiona siya l kahit pasikot sikot lang sagot ng lawyer di ba may mga ethics churva yong mga news reporter dapat inapply niya yon, tsk tsk.”

“Sir arnold.. magaling ka matalino kang journalist/reporter.. i admire you.. pero sana po watch your attitude.. kahit wala kang nakuhang information sa iniinterview mo hindi dapat ganyan inasal mo.. tsts.. nakakadisappoint ka!! Attitude pinakamahalaga sa lahat.. sayang ka.”

Ilan lamang ‘yan sa mga comment na aming nakita sa isang website.

Mukhang hindi apektado si Arnold sa mga batIkos sa kanya. Parang pinagsabihan niya ang isang media friend na hindi raw siya magso-sorry sa kanyang ginawa.

Ganoon?

Well, ano kayang hakbang o damage control naman kaya ang gagawin ng GMA News kay Arnold?

Tingnan nga natin kung kaya nilang ipagtanggol ang kanilang premyadong news anchor this time.                 (ALEX BROSAS)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top