Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang pangit na asal ni Arn Arn

Ang pangit na asal ni Arn Arn

00 Bulabugin JSY
HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit biglang ‘UMINIT’ ang ulo ni GMA7 broadcaster Arnold Clavio kay Atty. Alfredo Villamayor habang iniinterbyu niya sa kanyang segment sa UNANG HIRIT.

Para sa akin,  masamang ASAL ang ipinakita ni Clavio dahil lumalabas na IPINAHIYA at ‘MINURA’ niya ang kanyang bisita matapos niyang imbitahan sa kanyang ‘BAHAY.’

Kung asunto sa PORK BARREL ni Janet Lim Napoles ang gustong talakayin ni Clavio bakit ang abogadong si Villamayor ang ipinakontak niya sa  kanilang staff?!

Naniniwala ako na si Arnold Clavio ay hindi isang ‘newsreader’ lang.

Naniniwala ako na sa tagal na niya sa industriya siya ay may kaalaman sa pagbabalita.

Totoong hindi niya trabaho ang maghanap ng resource persons, pero dapat alam niya kung sino ang mga tamang tao na kanyang iinterbyuhin tungkol sa isang isyu.

Ibig nating sabihin, dapat antimano ay alam niyang hindi si Atty. Villamor ang tamang tao kung kaso ni Napoles sa PORK BARREL ang pag-uusapan.

Nang sa gayon ay hindi siya nasasalang sa isang ‘nakapipikong’ sitwasyon hanggang mailabas niya ang ‘the other side of Arnold Clavio.’

Sabi nga ng Bulabog  boys natin, HINANGIN na rin ba ang TUKTOK ni Clavio?

Arn-arn, research-researh din kapag may time.

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top