Monday , June 30 2025

Kasalang Richard at Maya, 3 simbahan ang pinagpipilian!

APAT na araw pa lang kukunan ang kasal nina Sir Chief at Maya para sa seryeng Be Careful With My Heart kasabay na rin ang reception.

Kuwento ng aming source, “sa November 11 -14 ang taping ng kasal at sa November 15 (Biyernes) ang airing, ‘di ba?  Kaya hand to mouth talaga.”

Base sa pagkukuwento sa amin ay tatlong lugar daw ang pinagpipiliang venue ng kasal nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria, sa may Guadalupe Viejo Makati City; Pila, Laguna na kasalukuyang nagte-taping ang BCWMH, at sa isang magandang lugar sa Batangas.

“Inisip ng production kung sa Guadalupe, baka mahirap kontrolin ang tao kasi busy streets ‘yun at masikip. Inisip din sa Pila, Laguna, ‘yung pinagte-tapingan para hindi na lumayo pa, kaso gusto ng management, ibang lugar. So, baka Batangas, as of now wala pang final decision,” sabi pa sa amin.

Ayon naman sa mga dumalo sa nakaraang presscon nina Sir Chief at Maya noong Lunes ay, “hindi raw puwedeng sabihin kung saan ang venue ng kasal for security reasons, two (2) or three (3) days before the airing, puwede na raw sabihin.”

Tinanong namin kung hanggang kailan ang airing ng BCWMH, “ang gusto ng production, hanggang Abril (2014) na lang, eh, gusto ng management, huwag daw muna tapusin, eh, siyempre, management ang masusunod, ‘di ba?”

Ano ba ang totoo, ateng Maricris, Abril o forever na? (Dedepende raw iyan sa pagtanggap ng publiko. Kasi marami na raw beses na gusto nilang tapusin ito pero dahil sa clamor ng televiewers na gustong panoorin pa kaya humaba na ng humaba—ED)
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gabby Concepcion Snooky Serna

Gabby never niligawan si Snooky

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na hindi pala nagkaroon ng relasyon noong araw sina Gabby …

Nadine Lustre PUP

Nadine bumisita sa  PUP, nag-donate ng mga libro

MATABILni John Fontanilla BUMISITA si Nadine Lustre kasama ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou sa PUP San Juan …

Ivana Alawi

Ivana ipinagsigawan: ‘Di ako pinalaki para manira ng pamilya

MA at PAni Rommel Placente PARANG pagsagot na rin daw sa isyung kinasangkutan ang ginawang …

Alden Richards Bike Box

Alden Richards desmayado sa isang airline company

MATABILni John Fontanilla DESMAYADO ang Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa isang airline company dahil sa sirang …

Vice Ganda MC Lassy

Vice Ganda focus uli sa trabaho, MC at Lassy ‘di mawawalan ng raket

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY mga nakausap kaming mga common friend nina meme Vice Ganda, MC, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *