Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / MRT naparalisa

MRT naparalisa

Maraming pasahero ang nagalit at naabala matapos panandaliang maparalisa ang biyahe ng mga tren dahil sa nakitang maliit na bitak sa Metro Rail Transit (MRT) kahapon ng umaga.

Alas 6:10 ng umaga nang bulto ng mga pasahero ang hindi makasakay sa Quezon Ave., at sa iba pang  estasyon ng MRT dahil sa nasabing aberya.

Walang masakyang tren sa mga estasyon mula North Avenue hanggang Ortigas at tanging sa Shaw Boulevard hanggang Taft Station lamang ang operasyon.

Pero bago mag-alas-6:30 ng umaga, agad bumalik sa normal ang operasyon sa lahat ng estasyon.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top