Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Lalaki lasog mula sa 7/F ng PBCom tower

Lalaki lasog mula sa 7/F ng PBCom tower

Nahulog ang isang lalaki mula sa ikapitong palapag ng gusali ng Philippine Bank of Communications o mas kilala sa tawag na PBCom Tower, kahapon ng umaga sa Makati City.

Kinilala ni Joey Salgado, public information officer ng Makati City Hall ang biktimang si Christian Sanchez, 27-anyos, may-asawa.

Ayon sa isang Dr. Modina ng Makati Medical Center, wala nang pulso at hindi na humihinga si Sanchez nang idating sa ospital.

Nakita pa ng traffic enforcers sa lugar na nakadungaw sa ikapitong palapag ng gusali ang biktima na bigla na lamang nahulog at bumagsak sa kalsada.

Hindi pa malinaw kung aksidente o sinadya ang pagkahulog ng biktima habang iniimbestigahan  ng pulisya ang insidente.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top