Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tuguegarao VM inagawan ng bag sa terminal ng bus

Tuguegarao VM inagawan ng bag sa terminal ng bus

Wala nang pinangingilagan ang mga kawatan, matapos iulat na biniktima ng riding-in-tandem maging ang vice mayor sa bayan ng Sta. Ana, sa Tuguegarao.

Sa report ng Sta. Ana Police, naghihintay ng sasakyan ang biktimang si Genevie  Rodriguez, 45 anyos, patungo sa terminal ng bus nang lapitan at hablutin ang bag ng magkaangkas na lalaking sakay ng motorsiklo sa Brgy. Palauig, Sta. Ana.

Ayon sa biktima, may cash, dalawang cellphone na nagkakahalaga ng P35,000 at P37,000, isang diamond ring na nagkakahalaga ng P200,000 ang kanyang bag.

Nabatid na nag-withdraw  pa lamang ng pera ang biktima nang maganap ang insidente.

Pinaghahanap na ng pulisya ang responsable sa krimen matapos mamukhaan sa ipinakitang file photo ng pulisya mula sa kanilang gallery of supects.      (Beth Julian)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top