Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / One Voice ni Charice, benefit concert para sa mga taga-Bohol

One Voice ni Charice, benefit concert para sa mga taga-Bohol

KAHANGA-HANGA ang malasakit na ipinakikita ni Charice sa mga taga-Bohol. Dahil sa magandang pagtanggap sa kanya ng mga taga-roon nang minsang magtungo sa nasabing lugar, nais niyang suklian ito sa pamamagitan ng isang benefit concert.

Ang benefit concert ay ang One Voice na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila ngayong gabi, November 4 ito ay para sa mga biktima ng lindol.

“Kaya ko gagawin ang concert na ito kasi gusto ko na makatulong na mapabilis ‘yung pagbangon nila, especially ‘yung mga building na nasira, ‘yung mga taong nangangailangan ng tulong,” ani Charice.

Makakasama ni Charice sa concert ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano at ang all girl singing group na Sassy Girls.

Sinabi pa ni Charice na, ”At kaya po espesyal sa akin ang Bohol kasi sobrang na-touch ako sa mga tao dahil sobrang (mababait). Kasi po, may mga taong taga-Manila, sorry to say, pero alam naman nating may ibang tagilid ang mga ugali (maarte, mayabang) ganyan, parang doon (Bohol) sobrang totoo sila, mababait, friendly. Masasabi mo o mase-separate mo talaga ‘yung mga taga-Bohol at taga-Manila.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top