Friday , April 26 2024

Almazan MVP ng NCAA

HALOS inaamoy na ni Raymond Almazan ng Letran ang pagiging MVP ng National Collegiate Athletic Association para sa Season 89.

Ayon sa mga nakahawak ng statistics ng liga, milya-milya ang layo ng 6-7 na si Almazan mula sa mga humahabol sa kanya para sa parangal.

Naga-average ngayon si Almazan ng halos 16 puntos, 12 rebounds at dalawang supalpal bawat laro para sa Knights na tumapos sa ikalawang puwesto sa pagtatapos ng elimination round na may 14 panalo at apat na talo.

Bukod sa pagiging MVP, pasok din si Almazan sa Mythical Five at selyado na rin niya ang pagiging Defensive Player of the Year.

Pagkatapos ng NCAA, aakyat na si Almazan sa PBA kung saan inaasahang pipiliin siya ng Rain or Shine bilang ikatlong pick sa rookie draft na gagawin sa Linggo sa Robinson’s Manila.       (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *