Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Pinay, 4 pa patay sa China

Pinay, 4 pa patay sa China

BEIJING – Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa pagsalpok ng isang jeep sa Tiananmen Square, Beijing, China.

Ito’y matapos umakyat na sa lima katao ang namatay kabilang ang isang Filipina.

Dahil sa lakas ng impact ng aksidente, agad nasunog ang jeep.

Sa inilabas na statement ng Beijing police, maliban sa isang Filipina, kabilang din sa mga namatay ang driver at dalawang sakay ng jeep at isang lalaking Chinese.

Hindi rin bababa sa 38 ang sugatan na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Kabilang din sa mga sugatan ang mister at dalawang anak na babae ng Filipina.

Ang tatlo ay nasa stable nang kondisyon sa Tongren Hospital. (CNN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top