Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sexy production ni Enrique sa King of the Gil, inaabangan (Bukod sa pagiging halimaw ng dance floor)

Sexy production ni Enrique sa King of the Gil, inaabangan (Bukod sa pagiging halimaw ng dance floor)

SI Enrique Gil na talaga ang  bagong halimaw ng dance floor dahil makakarating na sa Smart Araneta Coliseum ang talentong ito para sa  dance concert niyang King of the Gil na mapapanood sa Nov. 29.

Sobrang  kaba niya  kung mapupuno ba ang Smart Araneta o hindi.

“Bahala na lang siguro. Kahit hindi mapuno, okey lang. Basta successful ‘yung show at saka lahat ng pumunta, masasabing sulit ‘yung binayad nila. Gusto kong mag-enjoy sila. ‘Yun lang talaga ‘yung goal ko,” sambit ng guwapong actor.

Nabanggit ni Enrique, na may dance number siya kasama sina Arron Villaflor at Sam Concepcion. May nagtanong kung bakit hindi na lang isinama sina Enchong Dee, Robi Domingo at ilang kasamahan sa Gigger Boys para may reunion sila. Schedule raw ng iba ang problema pero ita-try pa rin niya na magsama-sama sila sa concert niya.

May nagtanong din kung may ala-Magic Mike siyang gagawin sa concert dahil buong ningning niyang sinasabi na idol niya si Channing Tatum.

“May sexy prod, pero hindi naman siguro… ewan ko kung aabot sa ganoong level. Basta, may sexy prod kami. Siguro, medyo lang,” tumatawa niyang pahayag.

Pero ang tingin sa kanya ng iba ay sex symbol lalo na ‘pag sumasayaw. Marami talagang bading at mga kababaihan na ni-elya sa kanya ‘pag sumasayaw, gumigiling, at kumakadyot-kadyot.

“I don’t know. Kasi, when people enjoy, basta para sa akin, wala akong pakialam. Basta mag-enjoy sila, happy ako So, whatever they see, kung anong gusto nila, okey ako,” sey pa niya.

“Siguro kasi, ‘pag may effort ka, hindi natural tingnan, eh. ‘Di ba? Ang iniisip ko, ‘yung sinasabi ni Teacher Georcelle (choreographer ng G-Force) na, ‘Basta, enjoy lang tayo. Kasi, kahit magkamali ka, ‘pag nakita ng tao na nag-e-enjoy ka, sasabihin ng mga tao, ‘Okey lang ‘yan!’ ‘Di ba? So, kung anong nararamdman mo sa stage, nagre-reflect sa mga tao. Kung nakikita nilang nag-e-enjoy ka, kahit anong mangyari, mag-e-enjoy sila,” aniya pa.

Guests ni Enrique sa King of The Gil sina Vice Ganda, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Rico Blanco, Gloc9, Young JV, Arjo Atayde, Ejay Falcon, Aaron Villaflor, at Julia Montes.

Bukod sa pamilya niya, sino ang ini-expect niyang special na tao na dapat manood ng concert niya?

“Si Bea Alonzo. Kasi may surprise ako sa kanya,” buong ningning niyang sinabi.

Gusto raw niyang pasalamatan ito dahil  binigyan siya ng chance na maka-partner sa She’s The One. Malaking bagay sa career niya na makasama ang isang Bea Alonzo.

‘Yun na!
Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top