Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Melai, naglilihi sa double body (tinapay)

Melai, naglilihi sa double body (tinapay)

MASKI apat na buwan ng buntis si Melai Cantiveros sa panganay nila ni Jayson Francisco ay tuloy pa rin ang trabaho niya para pandagdag sa nalalapit nilang kasal sa Disyembre ngayong taon sa General Santos City.

Hindi naman daw gaanong napapagod si Melai kaya’t keri pa niyang mag-taping ng Honesto na nag-umpisa na kagabi.

Pero ang hosting stint ng komedyana sa Kris TV ay hindi na niya kinayang pasukan kaya’t hindi na siya napapanood.

Hindi raw maganda ang pakiramdam ni Melai sa unang tatlong buwang pagbubuntis kaya’t napilitan siyang hindi siputin ang nasabing morning show.

“Noong first three months talaga, hindi na talaga ako umaalis sa kama, nakaganoon (nakahiga) lang ako.

“Sabi ng doktor ko noon, normal lang daw ‘yung nangyayari sa akin. Naku kung alam n’yo lang. Sabi ko nga, ‘dok, hindi na ito normal’.

“Tapos sabi niya, pag-end ng three months, magiging okay na raw ako. Naging okay nga ako. Normal naman pala nga,” paliwanag ng komedyana nang makatsikahan namin sa grand presscon ng Honesto ni Raikko Mateo.

Samantala, masayang ikinuwento naman ni Melai na maalaga sa kanya si Jayson, ”lagi siyang nandiyan, hindi siya umaalis ng bahay. Lahat ng gusto ko, binibili niya. Napapagod nga siya sa kabibili kasi hindi ko naman kinakain,” say ng aktres.

Sabi naman ng komedyanteng aktor ay nahihilo siya sa mga ipinabibili ng komedyana dahil,”minsan double body (tinapay), eh wala naman dito sa Maynila, sa probinsiya lang mayroon.

“Kaya nga dinala ko na ‘yan sa probinsiya kasi ang hirap ng mga pinapabili. Minsan, isda. Tapos, masungit din. Eh naiintindihan ko naman kasi nga mayroon siyang pinagdaraanan.”

Sa kabilang banda, hindi sigurado nina Jayson at Melai kung sa Singpore sila nakabuo ng kanilang panganay noong nagpunta sila kasama ang Kris TV host na si Kris Aquino.

“Hindi namin alam,” ani Jayson. ”Pero feeling ko, made in the Philippines ‘yan. Made in ABS-CBN. Hindi, joke lang,” birong sabi pa nito.

Kukunin ba nilang ninong si John Prats sa magiging baby nila?  Kasi willing daw ang aktor na maging ninong sa anak nina Jayson at Melai.

Pero para kay Jayson ay mag-usap daw muna sila ni John dahil hindi pa nga raw sila nagkaka-ayos pero sa sinabing gustong maging ninong ay okay naman daw, pero sana magka-usap muna sila.

“Lahat na ginawa ko para magkausap at magka-ayos kami, pero talagang parang ayaw pa niya. Alam n’yo naman ang showbiz at hindi, eh kayo na po ang bahala, ako’y lahat na inano ko (lahat na ginawa ko),” katwiran ni Jayson.

Say naman ni Melai, ”hindi, kasi siguro, hindi pa sila nagkakausap kaya ganyan. Kasi siyempre, ang gusto naman niya, mag-usap muna sila. Ako naman, bago kumuha ng ninong, ipag-pray muna natin na makalabas ito (sabay-hawak sa baby sa tiyan) ng maayos.

Anyway, bukod kina Melai at Jayson ay kasama rin sina Paulo Avelino, Maricar Reyes, Joel Torre, Melissa Ricks, Joseph Marco, Janice de Belen, Nonie Buencamino, at Eddie Garcia.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top