Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Low profile impresibo

Low profile impresibo

Pinatunayan ng hineteng si Mark Angelo Alvarez at kabayong si Low Profile na talunan na nila ang grupong kanilang nakalaban mula nung una silang magkaharap sa trial race hanggang sa aktuwal na PCSO Maiden Race nitong nagdaang Sabado sa pista ng SLLP.

Lumabas na halos banderang tapos ang kanilang nagawang panalo at nakapagtala pa agad ng impresibong tiyempo na 1:27.4 (12-24-24-27) para sa 1,400 meters na distansiya.

Marami kaagad ang nagpalagay na magiging isa ring horse to watch iyang si Low Profile sa mga darating na Juvenile Stakes Races bago magtapos ang taon dahil sa naipakita niya ang maturity  sa pagtakbo.

Fred Magno

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top