Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Patrick, nagkadireksiyon ang buhay dahil kay Chelsea

Patrick, nagkadireksiyon ang buhay dahil kay Chelsea

MARAMING rebelasyon si Patrick Garcia at inilantad na niya sa publiko ang ina ng kanyang anak na si Nikka Martinez at ang baby nilang si Chelsea.

Ibinahagi nila sa Smart Parenting kung paano naging matured ang one year old relationship nila nang sumulpot si Chelsea.

“Before Chelsea came into our lives, medyo magulo, parang bata lang kami, away ng away, or lakwatsa lang,” bulalas ni Patrick. ”(But) Chelsea gave us focus, nagkadireksyon kami.”

Wala silang yaya kaya ‘pag walang taping si Patrick ng Primetime serye ng Dos na Anna Liza ay talagang tinutulungan nila si Nikka sa pag-aalaga sa baby nila.

“I’m thankful because no matter how tired he is, even if he comes from a 24-hour taping, he really does his part. He’ll cuddle her, put her to sleep—that’s my cue to go to the banyo na! That’s my me-time,” bulalas naman ni Nikka.

May kuwarto rin daw silang inilaan para kay Alex Jazz, anak ni Pat kay Jennylyn Mercadona wish nilang makilala rin ni Chelsea balang araw.

Parang kailan lang na tatay na tatay na ang dating child actor. Kaya naman, nabibigyan niya ng tamang justice ang pagiging ama ni ‘Annaliza’ (Andrea Brillantes) at Arlene (Kyline Alcantara).

Hindi pa rin natatapos ang paghihirap  at pang-aapi kay ‘Annaliza’ dahil mas todo ang  pagka-insekyur ni Arlene (Kyline) kaya magsisilbing tinik ito sa kaligayahan ni Annaliza .

‘Yun  na!

Enchong, na-offend sa tsismis na may sex video siya

SERYOSO ngayon si Enchong Dee sa pagre-react sa  kumakalat na umano’y may sex video siya  sa isang gay-model na si Sebastian  Castro. Hanggang ngayon ay wala namang maipakita na sex video talaga.

Buong ningning niyang sinabi na hindi niya kilala si Sebastian.

Pangalawa, hindi siya mahilig mag-record at hindi siya ang tipo ng tao na gagawa ng ganyan.

Sinabi rin niya na nao-offend siya  na parang ganoon kababa ang tingin sa kanya ng tao at ganoong klase ng tao ang kasama niya sa isang sex video.

“Hindi ko akalain na ganoon kababa ‘yung tingin niyo sa akin,” himutok pa niya sa mga taong nagkakalat sa kanya ng ganoong klaseng tsismis.

Idinagdag pa ni Enchong na wala siyang dapat patunayan para lang sa kanila kung ano siya at kung sino siya.

Sa sunod-sunod na proyekto ni Enchong  parang may gustong manira sa kanyang imahe, ‘no?

Lifestory ni DK, puwede sa MMK at Magpakailanman

SA totoo lang, puwede sa Magpakailanman o sa MMK ang life story ni Dk Valdez. ‘Yung pagkahilig niya sa musika noong bata pa siya at against ang tatay niya. Dumating pa sa point na umano’y sinampal siya ng tsinelas na may putik habang nagre-rehearse  sa bahay nila dahil ayaw ng father niya ay ilan lamang sa mga pangyayari sa buhay niya na hindi niya makalilimutan.

Pero nagsikap siya at tingnan mo naman ngayon, ginagawa na lang niyang parang Quipo ang pagpunta sa Europe at sa Thailand para mag-shows. Okey na rin sila ng father niya at magkasundo na.

“Kung hindi dahil sa pag-awit ko baka gaya pa rin kami ng dati, walang pambili ng bigas na pansaing,” balik-tanaw pa ni Dk sa amin.

Sa rami ng shows abroad ni Dk ay naospital siya sa Pattaya, Thailand noong Lunes ng umaga.

Sey niya sa kanyang FB  account: ” After the show last night (October 20) ramdam ko na pagod sa katawan ko pero tuloy ko pa rin ang show… nagising ako ng 5:00 a.m. nahirapan na ako huminga. Lumabas ako ng hotel, nagpahatid sa motorbike sa hospital right after pagdating sa hospital natumba na ako, nawalan ng malay… pagkamalay ko naka-dextrose na ‘ko… Napaiyak ako kasi hirap pala mag-isa… Sabi ng doctor bumaba raw blood sugar ko… stress… Sa sunod- sunod na biyahe mula Europe hanggang Asia. . I feel better now… Thank you Lord Jesus… Sana okay na ako mamaya flight ko to Manila. For Bicol Show… 3 hours pa bago ko lumabas ng hospital.”

So, nanghihina na umuwi ng Pilipinas si DK dahil  may promo pa rin ang kanyang  album na DK Valdez: Its All About Love na nakapaloob  ang revival song niyangMy Love Will See You Through at ang  kanyang carrier single na Tatanggapin Pa Ba Kita? Maririnig din ang awitin ni DK sa tatlong station—Star FM, LS FM, Pinas FM.

Babalik ulit ng Europe si DK sa November 5 para sa iba pang singing engagement at magre-record na rin siya ng kanyang panibagong album doon.

Talbog!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top