Thursday , August 28 2025

Forecast ni De Vance

MAGDILANG-ANGHEL kaya si Joe Calvin de Vance?

Kasi’y nagmistulang manghuhula o kaya’y nangangarap ng gising itong si DeVance sa pre-Finals press conference na ginanap para sa PLDT telpad PBA Governors Cup best-of-seven championship series sa pagitan ng SanMig Coffee at Petron Blaze dalawang araw bago ang Game One.

Ani DeVance ay aabot sa Game Seven ang serye.

Sa huling dalawang segundo ng Game Seven ay mapa-foul ni Elijah Millsap si Marqus Blakely at tutungo ito sa free throw line. lamang ng isa ang San Mig Coffee. Maisu-shoot ni Blakely ang unang free throw  pero magmimintis sa susunod. Nag-aagawan sa rebound sina deVance at Marc Pingris. Makukuha ni DeVance ang bola at maipa-follow-up. Papasok ito sabay sa pagtunog ng Final buzzer.

“We will win!”

Well, nagkatotoo na ang umpisa ng kanyang panaginip.

May Game Seven na nga at ito’y gaganapin mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum na inaasahang sasabog sa dami ng mga fans.

Pero imposible namang magkatotoo ang kanyang kuwento.

Puwedeng manalo ang SanMig Coffee subalit hindi sa scenario na sinasabi ni DeVance.

Unless totoo nga siyang propeta ha.

Ang mahalaga dito ay na-excite nang husto ang mga fans at hindi sila nakunsume tulad ng nangyari sa Finals ng unang dalawang conferences. Kasi winalis ng Talk N Text ang Rain or Shine, 4-0 sa Finals ng Philippine Cup at pagkatapos ay winalis din ng Alaska Milk ang Barangay Ginebra sa Finals ng Commissioner’s cup.

Natural na sumama nang husto ang loob ng mga fans ng Rain or Shine at Barangay Ginebra dahil sa hindi nakapagbigay ng magandang laban ang kanilang paboritong koponan.

At least, masaya ang mga fans ng Petron at SanMig Coffee. Kahit na ano ang kahinatnan ng serye, masasabi nilang pumukpok nang husto ang kanilang favorite team!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wassim Ben Tara Tunisia FIVB

Star player Tara ‘di makalalaro
Tunisia unang katunggali ng Alas Pilipinas sa FIVB Worlds

MAKAKAHARAP ng Alas Pilipinas ang powerhouse mula Africa na Tunisia sa unang araw ng 2025 …

Bukidnon Sports Complex, Ideal na Lugar para sa Pagsasanay ng mga Pambansang Boksingero

Bukidnon Sports Complex, Ideal na Lugar para sa Pagsasanay ng mga Pambansang Boksingero

ITINURING ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang ideal na lugar para sa pagsasanay ng …

Set Na Natin To PNVF

“Set Na Natin ’To” Trophy at Mascot Tour, bibisita sa Laoag ngayong Sabado

ISANG mini-tournament na lalahukan ng apat na koponan mula sa Ilocos Norte ang sasalubong sa …

Regional National Training Centers para sa grassroots sports itinutulak ng PSC

Regional National Training Centers para sa grassroots sports itinutulak ng PSC

DETERMINADO si Philipine Sports Commision (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio na maitatak ang kanyang pamana …

PFF John Gutierrez FIFA PSA PSC

FIFA Futsal Women’s World Cup hosting ng Bansa, nasa tamang landas ang paghahanda

“NASA tamang landas ang lahat ng aming paghahanda. Mahigpit ang aming koordinasyon sa Federation Internationale …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *