Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Michael V., kayang dalhin ang show kahit wala si Ogie

Michael V., kayang dalhin ang show kahit wala si Ogie

NAKAKA-MOVE-ON na ang Bubble Gang ni Michael V. kahit wala si Ogie Alcasid. Ni hindi na nga siya hinahanap ng mga tagahanga ng naturang programa. Tamang-tama ang mga bagong set of ideas ang ipinakikita ni Michael V. at ng grupo.

Malaki ang tulong nina Rufa Mae Quinto, Paolo Contis, Bentong, Momoy Cipriano, at Diego. Sayang, hindi na nila naisingit si Whitney Tyson na kuwela rin magpatawa.

Pampaalis kasi ng stress ang naturang show sa rami ng ating problema ngayon. May nagkokomento nga, lumipat ng TV5 si Ogie ‘di naman alam kung kailan ipapasok ang show n’ya. At least sa Kapuso, malinaw ang signal kahit saan. At napapanood sila talaga. Alin ba ang mahalaga ngayon, malaking TF o ‘yung napapanood ka?

Vir Gonzales

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top