Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang Jueteng ni Bossing Allan sa Parañaque at ang tongpats na si punyeta este Tenyente Tiagong Akyat!

Ang Jueteng ni Bossing Allan sa Parañaque at ang tongpats na si punyeta este Tenyente Tiagong Akyat!

00 Bulabugin JSY

HETO pa ang isang PALUSOT pero namamayagpag … ang jueteng ni BOSSING ALLAN M., sa Parañaque City.

Lantad na lantad daw ang jueteng na ito ni ALLAN M., sa Parañaque. Kumbaga walang makaporma kasi ang press release naman nito ‘e areglado ang City Hall at Southern Police District.

Isang punyeta este alias tenyente ROLLING TIAGONG AKYAT ang umaareglo ng TONG-PATS sa CITY HALL.

Siya raw ang ‘inatasan’ ni MAYOR para TUMANGGAP ng parating mula kay ALLAN M.?

Patay kang bata ka Mayor Edwin Olivarez, hindi pa ba sumasakit ang ULO mo sa mga ‘BUKOL’ ni punyeta este tenyente TIAGONG AKYAT?!

Ang matunog na BALITA, aba ‘e napakalaking bahay daw ang ipinatatayo ngayon ni Tenyente Tiagong Akyat ‘d Tongpats.

Aba, NCRPO chief, GEN. MARCELO GARBO Sir, e kailangan mo na yatang ipa-LIFESTYLE check ‘yang si punyeta este tenyente TIAGONG AKYAT, mukhang mauuna pang magpagawa ng MANSION sa iyo.

I-lifestyle check na ‘yan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top