Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagkadapa ni Shaina, nag-trending! (Bagamat bumagsak, itinuloy pa rin ang pasasayaw)

Pagkadapa ni Shaina, nag-trending! (Bagamat bumagsak, itinuloy pa rin ang pasasayaw)

WE didn’t watch ASAP 18 last Sunday kaya naman naloka na lang kami dahil pinag-usapan si Shaina Magdayao sa social media kasi nga nadapa raw ito.

Actually, ang daming humanga sa ipinakitang professionalism ni Shaina na tuloy pa rin ang pagsayaw kasi bumagsak siya. Mabuti na lamang at tinulungan ito ni Nikki Gil.

Ang daming nakisimpatya sa younger sister ni Vina Morales dahil sa nangyari. At ang dami ring pumuri kay Nikki dahil sa pagtulong nito kay Shaina.

“Ung damit kc cia naapakan nia. .pero magaling cia xame dn kay nikki.”

“Ang bait ni Nikki. inistop nya pagsayaw nya para help si Shaina.”

“Kta ko tlaga lumagapak tlaga xa sa floor.bt carry parn nya.dats d real performr.tlagang show must go on.pancn ko rn ung clang 4 ni papa p w d bff,nka slippr nlng xa.hpe shes ok.”

Ilan lamang ‘yan sa mga comment na nabasa namin sa Facebook.

Talagang pinag-usapan ang nangyari kay Shaina at chika pa ng isang fan ay, “Naku nag trending topic pa sa Twitter during pag dulas niya! Ingat-ingat lang!!”

Sex video scandal umano, hawig lang pala ng aktor

BASHER NI ENCHONG, MATINDI ANG GALIT

MAYROONG lumabas na Enchong Dee sex video scandal pero nang buksan namin ito to see kung si Enchong nga talaga ay hindi naman namin ma-open.

But based on what we saw sa teaser sa Facebook about the sex scandal ay hindi naman talaga si Enchong ang aming nakita kundi some Chinese or Thai or Vietnamese guy.

Talagang desperado yata ang basher ni Enchong para ipakalat ang pekeng sex scandal. Sino kaya ang may gawa nito sa Kapamilya actor? Parang matindi kasi ang galit niya.

Kris, ‘di naka-atend sa UN First Ladies Lunch dahil sa SM endorsement shoot

ANG shoot pala ng kanyang bagong endorsement for SM Shoemart ang dahilan kung bakit hindi naka-attend si Kris Aquino sa UN First Ladies Lunch sa New York.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Kris ang ilang shots sa kanyang SM commercial with this caption: “Finally I can post because it aired tonight, my latest TVC, for SM. This was the endorsement I told all of you I prayed for & gave up attending the UN First Ladies Lunch in NY because we shot it on the same date.”

On the same photo-sharing site ay ipinost ng TV host ang pagpunta niya sa Red Cross to bring her donation para sa nasalanta ng lindol.

“Going to Red Cross at 11 AM to personally bring my donation from the Kris Aquino Sale held last week. I will split the money we raised between Red Cross & Gawad Kalinga. I wanted to be able to extend immediate assistance to the families suffering in Bohol & Cebu. Through Red Cross would be the most efficient way to send my help. Thank you @beaalonzo for joining me today. It was so kind of her to want to give back after the huge success of #shestheone.

“Turned over check to Red Cross Secretary General Gwen Pang. Thanks to all of you who supported my Kris Aquino sale last week. I was able to give P700,000 to Red Cross today. Ms Gwen said Red Cross will use the money to help fund the care for trauma cases who need orthopedic surgery, sutures, and casts.”

ALex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top