Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Rodriguez pumirma ng bagong kontrata

Rodriguez pumirma ng bagong kontrata

MULING maglalaro si Larry Rodriguez para sa Rain or Shine sa susunod na tatlong taon.

Pumirma na si Rodriguez ng bagong kontrata sa Elasto Painters, ayon sa kanyang manager na si Danny Espiritu.

Mas malaki sa dati niyang suweldong P200,000 buwan-buwan ang magiging bayad ng Painters kay Rodriguez.

Samantala, nagpupulong ngayon sina Espiritu at ang pamunuan ng ROS tungkol sa bagong kontrata ni Beau Belga.

Hindi pa pumipirma si Belga ng bagong kontrata sa Elasto Painters at magiging krusyal ang pulong na ito sa magiging tadhana niya.

“Of course, I want him (Belga) to stay. If it’s all up to me if I want him to stay, ang pag-uusapan lang nila yung presyo. If it’s a question of wanting, I want him; if it’s a question on money, it’s not my call,” wika ni Painters coach Yeng Guiao.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top