Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kristine Hermosa type gumawa ng action comedy (Sawa na sa pagda-drama sa teleserye!)

Kristine Hermosa type gumawa ng action comedy (Sawa na sa pagda-drama sa teleserye!)

‘DI MAIKAKAILANG bago pa dumating ang mga kapwa actress na nagbibida ngayon sa mga teleserye ng ABS-CBN. Isa si Kristine Hermosa sa naging reyna ng mga teleserye sa Kapamilya. At lahat ng mga ginawang project ni Kristine sa nasabing no.1 TV network ay pawang nag-rate. Pero, dahil nag-asawa na nga sya at may anak na sila ng mister na si Oyo Sotto matagal na panahon rin namahinga ang magandang aktres. Nga-yon, ayon pa kay Oyo ay nami-miss na rin ng misis ang showbiz at marami namang dumara-ting na alok na drama program. Kaso mo, hindi na raw feel ni Kristine na gumawa ng heavy drama soap. Mas type niyang gawin ngayon ay action comedy. Kung mabibigyan ng chance ay gusto rin niyang subukan na mag-host ng isang talk show. Pagdating naman sa kanyang makakapareha ay hindi naman raw maarte si Kristine depende lang kung bagay sila noong ipa-partner sa kanya. Diffinetly, sa Kapamilya network pa rin mapapanood ang actress. Dapat lang gyud!

MAYA (JODI) TINANGGAP NA ANG AMANG SI ARTURO (LITO) SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Sobrang na-appreciate ni Maya (Jodi Sta. Maria) ang ginawang effort ng fiance na si Ser Chief (Richard) na hanapin ang tatay na si Arturo (Lito Pimentel) na matagal nang nawalay sa kanila. Agad-agad tinawagan ni Ser Chief si Mang Arturo para ipaalam na handa na si Maya na makipagkita sa kanya. Nagkita ang mag-ama sa isang resto at doon ay nag-usap sila pero hanggang doon pa lang dahil hindi pa nasasagot ni Arturo ang tanong ng anak kung bakit niya iniwan ang pamilya? Ka- ya may katwiran naman si Aleng Teresita (Sylvia Sanchez) kung bakit hanggang ngayon ay masama ang loob niya sa asawa lalo’t hindi pa alam kung ano ang totoo at rason sa hindi na pagbalik ni Arturo sa kanila. Ang importante ngayon ay tinanggap na ni Maya ang tatay at siya na rin ang magigiging daan para muling pagkasunduin ang mga magulang. Samantala, palapit nang palapit na ang kasal nila ni Ser Chief na itinutu-ring na “Wedding of the Year” kaya maging ang lahat ng viewers ay excited na. Ngayong maga-ling na sa Dengue at malapit nang makompleto ang pamilya ay nakipag-meeting nang muli si Maya sa wedding coordinator nilang si Regine Tolentino at hiniling na ang isusuot sa kasal ay ang wedding gown ng namayapang Lola na si Mamang Conchita dahil naipangako na raw niya sa matanda na ‘yun ang susuotin niya. Pumayag naman si Regine na i-repair ang gown para ma-ging mukhang bago. Buong entourage sa kasal na pangungunahan nina Maya at Ser Chief ay isa-isa nang susukatan. Magiging parte rin kaya ng kasal na ito si Mang Arturo? Sa episode nga-yon Lunes tatanungin ni Teresita si Maya kung gusto ba niya na dumating ang ama sa kasal nila ni Ser Chief? Aba! Mukhang may reconciliation na magaganap. ‘Yan  ang dapat ninyong aba-ngan sa paboritong morning kilig-serye na “Be Careful with My Heart” na mapapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Junior Minute To Win It” sa Kapamilya network. Every Sa-turday at 10 am naman umeere ang kanilang “Sabado Rewind.”

MAGWAGI NG CHRISTMAS PACKAGE WORTH 100 K SA LOOK-UP DANCE CHALLENGE SA EAT BULAGA

Malaking Christmas Party, ang nag-aantay ngayong Disyembre sa mga Barangay na tatanghaling winner sa “Look-Up Look Up” Dance Challenge sa Eat Bulaga. Every week ay anim na mga barangay sa loob at labas ng Mega Manila ang maglalaban-laban sa pagalingan sa pagsayaw ng “Look Up, Look Up” ni Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon. S’yempre kung sino ang stand out na barangay, sila ang mananalo ng Christmas Package worth 100 K. Last Saturday, ang Brgy. Loma, Biñan, Laguna ang nagwagi sa challenge at tyak na marami ang mag-i-enjoy at mabubusog sa kanilang party sa darating na Pasko. Kaya doon sa mga barangay na kasali sa dance challenge ngayon pa lang ay umpisahan na ninyo ang practice nang kayo ang makasungkit ng premyo.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top