Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Hindi ito ang tamang sandali para sa bagong mga plano o proyekto. Maging ang petsa ay dapat na baguhin kung posible.

Taurus  (May 13-June 21) Maaaring hindi mo nais na sumandal sa balikat ng iba ngunit tiyakin mong maipagtatapat mo ang iyong problema kahit sa isang kaibigan o kasama.

Gemini  (June 21-July 20) Maaaring nagkamali ka ng inakala sa isang bagay na mistulang big deal ngunit hindi naman pala.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Maaaring hindi mo maituon ang iyong focus kaya makabubuting magkape muna ano man ang iyong ginagawa.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Mainam ang sandali ngayon sa pagtitiwala sa iyong instincts – ngunit huwag kalimutang suriin din ang facts.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan nang higit na atensyon sa iyong relasyon, kaya ibigay mo ito.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Marami kang dapat tapusin kaya naman ay lagare ka ngayon.

Scorpio  (Nov. 23-29) Dumadaloy ang iyong creative juices, tiyaking magagamit mo ito.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Hindi ito ang tamang sandali sa paglulunsad ng bagong proyekto o pagbubuo ng grupo. Pag-aralan itong mabuti.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Bibigyan mo sila ng magandang laban, ilalabas mo ang hindi nila inaasahang mga estratehiya.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Magigipit ka sa linggong ito dahil sa hindi inaasahang pagkakagastusan. Maaaring lumapit ka sa kapatid para mangutang.

Pisces  (March 11-April 18) Naka-focus ka sa iyong sarili ngayon, na dapat lamang. Napapanatili mo ang iyong kompyansa.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ilang malapit sa iyo ang hanga sa iyong kompyansa. Tiyaking makita nila ang positive side nito.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top