Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Usig ng konsensiya ’di nakayanan kelot nagbigti

Usig ng konsensiya ’di nakayanan kelot nagbigti

HINDI na nakayanan ng konsensiya at pagmumulto ng kaluluwa ng isang biktima ng krimen na kanyang nasaksihan, nagbigti  ang isang 45-anyos na lalaki sa kanilang bahay sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Norberto Brez ng gate B-3 Gawad Kalinga, Baseco compound, Port Area,  Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police district Homicide Section, dakong 9:00 ng umaga nang matagpuan ng kanyang misis na si Josilyn Brez ang bangkay ni Norberto.

Ani asilo, sinabi sa kanya ng misis na nakonsensiya ang biktima at binabagabag dahil sa nasaksihan niyang insidente ng barilan sa kanilang lugar na naging dahilan upang magpatiwakal.

Nakiusap ang misis ng biktima na huwag na magsagawa ng imbestigasyon dahil walang naganap na foul play sa pagkamatay ng asawa.

(leonard basilio/daphney ticbaen)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top