Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Richard’s guesting sa GGV, ticket to ABS-CBN?

Richard’s guesting sa GGV, ticket to ABS-CBN?

NO wonder, nakapag-guest si Richard Gutierrez sa Gandang Gabi Vice, expired na kasi ang kontrata ng aktor sa GMA as far as his TV projects are concerned. Dinig namin, what’s left of his contract ay isang pelikula na lang which will totally liberate him from the TV network na ilang taon din niyang pinaglingkuran.

So, are we to assume na naghahanap na ng malilipatang estasyon si Richard? His reasons if ever are obvious, after all.

Una, ang karelasyon niyang si Sarah Lahbati ay may legal pang problemang kailangan niyang ayusin sa GMA Network, Inc., bukod pa sa isinampa na libel case laban sa kanya. Naiipit nga naman si Richard between the station and Sarah’s plight.

Ikalawa, there can never be two kings in one kingdom. With his arch rival Dingdong Dantes hailed as the Primetime King of the network, ano ngayon ang ranggo ni Richard? For sure, he won’t settle for a princely title.

Masasabi na bang ang simpleng pag-guest ni Richard sa GGV is Richard’s ticket all the way to the entrance of ABS-CBN?

But let’s face it, isang snakepit ang naturang estasyon reigned by the John Lloyd Cruz, the Jake Cuenca, the Piolo Pascual, etc.? Here’s hoping that Richard reconsiders his decision, at the same time opens his mind to the fact that he’s not at par with the king.

Ai Ai, lapitin ng mga lalaki dahil sa kanyang pera?

PROOF that she’s damn serious as a producer, mismong si Ai Ai de las Alas ang nag-hold ng special screening ng Kung Fu Divas kamakailan sa Trinoma Cinema 6, exactly a week before her first screen team-up with Marian Rivera opens in more than 100 theatres nationwide.

In her words na rin kasi, sinabi ni Ai Ai na bilang investor ay wala siyang karapatang magtamad-tamaran sa shooting, ”Milyon ang mawawala.”

In Kung Fu Divas directed by Onat Diaz na isa ring co-investor, Ai Ai has waived her entire talent fee, samantalang bukod sa kanyang TF ay nagdagdag pa si Marian sa kanyang first venture sa pagpoprodyus.

Producing movies is no longer new to Ai Ai, in fact, Kung Fu Divas brings to three the number of films that she has co-invested so far.

“Kaya naman kapag kumita, ang saya-saya ko! Ang dami kasing pera!”

Inamin naman ni Ai Ai na baka raw sa pagkakaroon niya ng maraming pera kung kaya’t lapitin siya ng mga lalaki who end up her dyowa only to realize her kagagahan committed many times over.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top