Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jovic Monsod, pang-leading man ang dating

Jovic Monsod, pang-leading man ang dating

INIBA na pala ang pangalan ni Jovic Susim, ito’y naging Jovic Monsod na. Ang Viva Artist Agency at ang Mercator management ang nagkasundo para palitan ang pangalan ng actor na naging nominado kamakailan sa Aliw Awards.

Ayon sa mga nakakakilala kay Jovic, pang-leading man ang appeal nito dahil sa angking kaguwapuhan at kagalingan sa pagarte. Siya rin ay isang matalinong estudyante na nag-aaral sa College of Saint Benilde na kunukuha ng kursong Consular and Diplomatic affairs.

Si Jovic ay aktibo sa mga school activities dahil siya ang napili para mag-represent sa Model United Nations na gaganapin sa Washington DC sa Oktubre 24-27.

Bale may mga movie project na si Jovic, ang Trophy Wife at When The Love is Gone  na malapit nang mapanood sa mga sinehan. Malapit na rin siyang mapanood sa isang teleserye ng ABS-CBN kaya wait na lang natin si Jovic.          (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top