Saturday , April 27 2024

3 opisyal ng MPD pabor sa bitay

PABOR ang tatlong mataas na opisyal ng Manila Police District (MPD) na ibalik ang parusang bitay laban sa mga pusakal na kriminal.

Ito ang pahayag nina Sr/ Supt. Ronald Estilles, deputy director for administration, Chief Insp. Erwin Margarejo,   ng District Police Relations Division at Chief Insp. Claire Dudal,  taga-pagsalita ng MPD sa linggohang Mabuhay Forum ng Manila City Hall Press Club sa Maynila kahapon.

Ani Estilles,  paulit-ulit na lang ang paglabag sa batas ng mga pusakal na kriminal gaya ng mga holdaper, magnanakaw at iba pang notorious criminal dahil pagkatapos nilang magkasala,  magpipiyansa lamang at makalalaya na at muling gagawa ng krimen.

Naniniwala rin si Major Cudal na madaling matukoy ang mga dapat patawan ng death penalty dahil may record sila ng kanilang ginawang pagkakasala sa komunidad.

Sa kanyang panig, komporme rin si Margarejo na buhayin ang death penalty lalo pa at hindi nagsasawa ang mga kriminal sa paggawa ng mga paulit-ulit na krimen.

Kaugnay nito nanawagan si Estilles sa mga mambabatas na amyendahan  ang mga kasalukuyang batas  laban sa mga panghoholdap,  panloloob sa mga banko at mga sanlaan at iba pang establishment, carnapping   at illegal na pagdadala ng baril.

Bukod aniya sa pagbabalik ng death penalty, dapat din taasan ang piyansa (gawing isang milyon) ng mga lumalabag sa batas.

Nabatid din sa tatlong opisyal na  bumaba ang kriminalidad sa Maynila sa nakalipas na halos apat na buwan dahil sa pinaigting na police visibility sa pagtatalaga ng  limang task force, Task Force Chinatown,  TF Divisoria, TF Market, TF University Belt Area at TF Tourist Belt.

(Leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *