Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marcus Cabrera, bagong Coco Martin in the making

Marcus Cabrera, bagong Coco Martin in the making

THE long wait is over!

Ngayong araw na ito,

October 16, Wednesday, matutunghayan na sa ilang piling sinehan ang pinakahihintay na indie film na Jumbo Jericho.

Palabas  na ito sa Remar Cubao, Isetan Cinerama Recto, at Roben Recto.

Abangan sa mga sinehang nabanggit ang pagbisita ng buong cast, rarampa sila para maki-bonding sa mga manonood.

Ang Jumbo Jericho ay istorya ng isang tin-edyer na nagtataglay ng napakalaking ari. Isinilang siyang galit sa mundo, ni-rape kasi siya ng kanyang ama at grandparents, at sa paghahanap niya ng kasagutan kung bakit kailangang magdusa siya sa pagkakaroon ng malaking ari, matatagpuan niya si Rafael (Jao Mapa) na nagtataglay naman ng pagkaliit-liit na ari.

At  sa pagtatagpo ng isang napakalaki at napakaliit, doon nila makikita kung ano ba talaga ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos sa kung ano ang ibinigay Niya sa atin. Na sa mundong ito, walang malaki o maliit, walang malawak at masikip, lahat tayo ay may karapatang lumigaya sa kung ano ang nasa atin.

Ang baguhang si Marcus Cabrera, ang gumaganap na Jumbo Jericho. Panoorin kung paano siya umarte at kayo na ang magsasabing he will be the next Coco Martin. Bukod sa nagtataglay ng magandang pangangatawan, ‘jumbo’ pa ang kanyang kakisigan.

Kasama ni Marcus ang mga nagkikisigan at nagma-machohang ‘Jumbo Boys’ na sinaMico Madrid, Charles Albania, EJ Marin, Ronnie Vista, Russel Banag, Kierwin Lozano & JR Zaragosa.

Ibinabalik ng Jumbo Jericho ang mga dating boldstar na sina Sabrina M, Natasha Ledesma, Juan Carlos Castro, Jethro Ramirez, at kasama ang talented na siChufa Mae Bigornia.

Ang Jumbo Jericho ay serialized sa Bagong Tiktik at mula sa panulat at direksiyon niSandy Es Mariano. Palabas na po ngayong araw na ito at huwag po kayong pahuli sa mga nakapanood na!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top