Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel, ‘di type ang mas matandang babae

Daniel, ‘di type ang mas matandang babae

HINDI pala type ni Daniel Matsunaga ang babaeng mas matanda sa kanya.

With that ay mali talaga ang chismis na mayroon silang something romantic ni Kris Aquino.

“Kasi malaki ‘yung difference ng age, ‘di ba? I’m just 24. I’m looking for somebody my age,” walang kagatol-gatol na sabi ni Daniel when asked about his relationship with Kris sa presscon ng She’s The One. “Pero she’s really mabait and she gave me the chance to be part of her show. She’s nice.”

He stressed that he’s “single”.

“Hindi po (totoo ang chismis sa amin) kasi ano she’s a friend lang. She’s really nice,” he explained, adding that the last time they saw each other was on Kris TV at sa Gawad Kalinga.

Takang-taka si Daniel kung bakit tila ayaw tumigil ng chismis sa kanila ni Kris.

“Hindi ko alam kung bakit pero hindi totoo. Hindi totoo ‘yan, eh. Showbiz, eh. I just go with it kasi alam ko when I started doing showbiz,” he said.

(Alex Brosas)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top