Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sariling etits pinutol kelot agaw-buhay

Sariling etits pinutol kelot agaw-buhay

AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang 46-anyos lalaki matapos putulin ang sariling ari sa Brgy. Tabok, Mandaue City, Cebu.

Naka-confine ngayon sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang biktimang si Federico de Clarus, ng nabanggit lugar.

Sa kwento ng misis niyang si Narcisa, umalis siya ng bahay dahil nagtalo sila ng biktima.

Ngunit nang bumalik siya ay nagtago sa likod ng kanilang bahay ang mister na may dalang garbage bag at isang balde.

Pagkaraan ay nakita niya ang mister na pinutol ang kanyang ari at ini-hagis.

Dahil malakas ang daloy ng dugo ay isinugod sa ospital ang biktima.

Sa nasabing pagamutan ay natuklasang may diperensya sa pag-iisip ang biktima.

Samantala, hindi na natagpuan pa ang kanyang pinutol na ari.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top